1. The Rebel

68.5K 1.1K 36
                                    


Lee's POV

    Kyle is a fucking love sick.  Natatawa talaga ako sa kanya.  But at the same time, I admire him.  Hindi biro ang mga pinagdaananan niya.  Kung hindi pa siya iniwan ni Ciara, hindi niya mare - realize ang importance ni Ci.    Siraulo kasi. 

    Tita Pat's wedding is perfect.  Nakakatuwa kasi Both Tita Pat and Leni are so much in love with each other.  Wala silang pakielam sa sasabihin ng mga tao.  Alam naman ng lahat ng hindi pa tanggap ng society ang same sex marriage.  Iilan pa lang kami na open minded pagdating sa bagay na iyon.

    I went out from the reception and stayed somewhere at the parking lot.  Parang puro inlove ang nandoon sa reception.  And besides, ayoko talaga ng weddings.  After so many years, ngayon na lang ako umattend ng wedding kasi close ko naman si Tita Pat.

    Kasi everytime I heard about weddings, I still remember my wife.

    Louraine.

    Napahinga ako ng malalim at humithit sa hawak kong sigarilyo.  I miss my wife.   It's been what?  Nine years?  Yes.  Nine years na siyang wala pero I can still remember her everything.  Her face, her scent, her smile.  I love it everytime she smiles. Parang lahat nagiging magaang. 

    We were young then.  Saka parang ang bilis noon.  I met her in one of our gigs.  Para siyang si Maddie.  She hates our band kasi maingay daw and durugista ang tingin niya sa amin.  We were sporting long hair noon kasi iyon ang uso.  Patpatin pa kami and striving band.  Isinama siya ng friend niya sa isang gig namin sa university nila.  Lars had known her first.  Natawa ako.  Pareho talaga kami ng trip sa babae.  Kunwari pa kasi itong si Lars na gusto niya ang mga wild and no reservations women but I know, deep inside him, he wants quiet and boring women.  Just like Maddie.  Kaya ko nagustuhan si Maddie kasi she is like a mirror of Louraine.

    But when Lars introduced Louraine to me, I know I love her that instant and she was the woman that I want to spend the rest of my life with.  She was my total opposite.  Napakahinhin niya, soft spoken, lagi lang nakangiti.  Maria Clara type.  Hindi ko nga alam kung bakit niya ako nagustuhan.  Maybe because nakita niyang totoo ang intensiyon ko sa kanya?  What happened to us was like a rollercoaster love story.  We got married secretly without the knowledge of her family.  She came from a wealthy and influential family.  Although hindi rin naman masasabi na basta basta ang pamilya ko because my family owns the LES Construction Company which builds condominiums and buildings in the metro for the past ten years.  My dad Gilbert Samson runs it with the help of my older brother Lester Eduardo.  My mom Leticia Samson stays at home taking care of my younger sister Leila Elizabeth.

     My parents dislikes my band.  My dad never wanted me to be a musician.  Well, sa aming apat sa Black Slayers, si Kyle talaga ang masasabi kong isinapuso ang pagiging musician.  That asshole can create a song in a blink of an eye.  Sobrang deep ng tarantadong iyon but he is like a brother to me.  Vlad and Lars also.  Mas close pa nga kaming apat kesa sa tunay kong kapatid na si Les.  Imagine my horror when I thought that we lost Kyle.  I already lost a wife and I am not going to lose a brother.

    Napahinga ako ng malalim at napatingin ako sa mga tattoo ko sa braso.  Both of my arms are full of tattoos up to my back.  When Louraine died, that's what I did.  Every month laman ako ng tattoo shop ni Joey.  Pinsan kong artist na taga - tattoo rin ng mga kabanda ko.  I wanted to feel pain kaya ako nagpapatattoo kasi magmula ng mamatay si Louraine para na akong manhid.  I don't feel pain, I don't feel love.  I don't feel anything at all.  I rebel against my family.  I rebel against the world kasi it is so unfair that Louraine is gone.  Because that is all that matters to me.  Only Louraine and she is gone.

    Kung ilang taon ng patay si Louraine, ganoon katagal na rin akong hindi umuuwi sa pamilya ko.  Well, mukhang sanay na rin naman sila na wala ako.  Si Leila lang naman ang nangangamusta sa akin kasi saksakan ng kulit ang babaeng iyon.  Also my mom, she is calling me every now and then.  But my dad and brother, not a single call.  Not a single hi.  I know they know that I am successful.  Sikat na sikat ang banda namin, at the same time, my Creative Company is also doing well.  And I can look at their faces na naitayo ko ang kumpanya ko na iyon ng walang tulong nila.

     I took out my phone from my pocket.  I checked my messages, puro si Lei, text ni Mommy.  Lots of unregistered numbers na nagpapakilalang fan.  If I can be invited on a date.  Natawa pa ako kasi may mga nagti - text talaga kung puwede daw akong maka - sex.  Well, I'll save those numbers.  Matawagan kapag nalulungkot ako.

    I looked at my Instagram account.  Naka - private naman 'yun.  Wala nga akong hilig doon.  Nag - sign up lang ako para ma - follow ko ang men's magazine na nakita kong naroon ang litrato ni Louraine.  'Tang ina.  Hindi talaga ako makapaniwala.  That woman, kamukhang - kamukha siya ni Louraine.  Her eyes, her nose, her lips, her body.  Her everything.  Talagang si Louraine siya.  Kung hindi ko lang nakita ang sunog na katawan ni Louraine at kung hindi siya inilibing, hindi ako maniniwalang hindi si Louraine ang babaeng iyon.

    Good thing I know the publisher of that men's magazine.  Si Dindo.  But when I tried to call him, kahit siya hindi nila alam ang totoong pagkatao ng babaeng iyon.  Pangalan lang niya ang ibinigay.  Katrina Domingo.  May nag - refer lang daw sa kanila.  Kung gaano kabilis dumating ang babae, ganoon din daw mabilis na nawala after the shoot.  They are trying to look for her nga daw talaga kasi they are going to offer her to pose in another issue of the magazine.

    "'Buwisit!  Ang dami - daming utos!"

    Napatingin ako sa nagsalitang iyon hindi malayo sa akin.  Babae.  She is wearing a black pants and white long sleeves.  I think one of the servers sa catering ng wedding ni Tita Pat.  Bitbit niya ang dalawang plastic ng garbage bag.

    "Kating!  Ito pa daw sabi ni Reyna Haliparot," narinig kong sabi ng isa pang babae na pareho ang damit ng tinawag na Kating.

    "Anong tingin nila sa akin?  Isang trak ng basura?  Bakit hindi siya maglabas niyan?  Ang trabaho na tinanggap ko ay mag - serve sa mga bisita hindi maging basurera!" Malakas na sabi ng babae at ibinato nito ang dalang garbage bag.

     Natawa ako at muling humithit sa hawak kong sigarilyo.  I'll stay here for a while.  Parang naaaliw ako sa babaeng iyon kahit maingay siya.

     "Naku, pabayaan mo na si Hailey.  Alam mo naman pamangkin ng may - ari ng catering kaya akala mo siya na ang may - ari.  Nagseselos kasi sa iyo," sabi ng babaeng kausap nito.

     "Bakit naman siya magseselos?  Lahat na nga ng waiter na kasama natin may gusto sa kanya.  Saka naku, wala akong panahon makipagpaligsahan sa dami ng lalaki.  Siya na ang panalo 'dun."

     Tinapunan ko ng tingin ang babaeng bad trip at nakita kong padabog niyang inaayos ang mga garbage bag na hawak niya.

     "Ano ka ba?  Si Jerwin.  'Yung anak ng supplier ng trucking services na kinukuha ni Mam Olive.  Malaki ang gusto sa iyo," sabi ng babaeng kasama nito.

     "Si Sir Jerwin?  Baliw ka talaga, Mona.  Mabait lang 'yung tao.  Binigyan mo na naman ng malisya," sagot nito.

    "Oo nga.  Lagi kang tinatanong kasi kay Mam Olive," sabi ng babae.

     "Wala akong panahon diyan.  Anong next raket pagkatapos nito?"

    "Tumawag sa akin si Nilo.  Baka gusto mo daw ulit magpose sa magazine.  Doble na ang bayad.  Kasi ilalagay ka daw sa centerfold," narinig kong sabi ng babaeng Mona ang pangalan.

     And this got my attention.  I looked at their way ng marinig ko ang tungkol sa magazine. 

    "Siraulo ka!  Hindi na mauulit iyon!  Kung hindi ko lang kailangan ng pera noon hindi ko ibubuyangyang ang sarili ko!" Galit na sabi ng babae.  This time ay humarap na siya at tinanggal niya ang black cap na sa ulo niya.

    Shit.  And infront of me is the reincarnation of my wife Louraine.

    This is the woman in the magazine that I am looking for the past months.  This is Katrina Domingo.  The doppelganger of my dead wife.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now