"Pero at least ako si Greg lang ang laman ng puso ko. E ikaw, nandyan nga si Alexis for you pero si Kei naman nasa isip at puso mo."

Boom panes boom boom panes panes!

Biglang tumugtog 'yung kantang 'yun, pagkatingin ko ringtone pala ng isang lalaki malapit sa table namin. Ew, ang corny naman ng ringtone niya, saka bakit sumakto?!

"Yeah, si Kei nga laging nasa isip ko. Naiisip ko siyang pahirapan, itorture, balatan nang buhay, lagyan ng asin pagkatapos, at sunugin nang buhay."

Ngumiti naman si Ally. "Hay nako Tabby. Maldita ka na nga, bitter ka pa, in denial ka rin?"

Boom panes boom boom panes panes!

Napatingin ako at tumunog ulit 'yung ringtone ng lalaki. Napataas ako ng kilay. "Pwede ba, kung ganyan din naman pala ang ringtone ng cellphone mo, paki-silent mode na lang?!"

Napatingin sa'kin 'yung lalaki at natahimik na lang siya tapos ni-silent mode 'yung phone niya. Bumalik ako sa pagkain ko.

"Uy, joke lang ah. Peace. Love you, best!"

Nginitian ko na lang siya at sumubo sa lasagna ko. Napapaisip pa rin ako kay Kei. Bukas magkikita na naman kami, pero paano ko kaya siya haharapin? Hindi kaya tama nga si Ally, na affected pa rin ako kay Kei? Na hindi pa rin ako maka-move on? No way. I don't like him anymore. Gusto ko lang ibalik 'yung sakit na pinaranas niya sa'kin. That's all.

***

"Alam mo, may napapansin kami sa'yo, Tabby e." Sabi ni Sarah 'nung nagkaroon kami ng break. Niyaya nila akong kumain sa may isang resturant malapit lang sa studio.

"Ano? Na maganda ako? Hindi na bago 'yon." Sabi ko naman.

Natawa naman sila, tapos nagsalita na naman si Sarah. "Hindi 'yun, ang napansin lang namin ay iba 'yung mga tingin mo kay Mr. Kevin, e. Kanina nga habang nag-shoot, parang matutunaw na talaga siya sa titig mo."

Kung nag-aapoy lang sa galit ang mga mata ko, malamang hindi siya matutunaw. Masusunog siya.

"Magkakilala ba kayo ni Mr. Dela Vega?" Tanong naman ni Yza. Bakit ang daming mga chismosa dito?!

"Oo, malamang magkakilala kami. At kilala mo rin siya, alam mo nga pangalan niya e." Sagot ko naman sa kanya sabay subo sa pagkain ko. Napatingin ako sa table namin at aba'y matinde, ako lang ang kumakain ng totoong lunch na as in 'yung kanin. Sila isang brownie lang o kaya 'yung maliit na lalagyan lang na vegetable salad. Kung ako ang kakain n'yan, baka hanggang lalamunan ko lang 'yan e.

Pinalo naman ako ni Tanya na katabi ko ngayon. Chismosa na nga 'tong mga ito, sadista pa? 'Yung totoo? "Siguro type mo si Mr. Kevin ano? Ayee, aminin! 'Wag kang mag-alala, crush din namin 'yun e." Tapos pinalo na naman ako sa kilig. Tinuro ko sa kanya 'yung hawak kong tinidor at tumigil siya sa kakapalo. "Ikaw Naara, type mo rin si Mr. Kevin?"

Umiling siya at napasimangot. "Pwede ba, 'wag niyo kong idamay sa kalokohan niyo." Tapos tahimik na lang siyang kumain ng vegetable salad niya. "Saka para namang type kayo 'nun. Lalo ka na, Tabby."

Boom panes boom boom panes panes!

Biglang may dumaan na waiter na nagsabi 'nun tapos tumawa. Akala ko nga sinadya, 'yun pala kumakanta talaga siya kasi hindi naman siya tumingin sa direksyon namin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakakainis na 'yang kantang iyan a, kung saan-saan ko na lang naririnig.

"Well, kung hindi ako type ni Kei... I mean ni Kevin Dela Vega, e ikaw pa kaya? 'Di hamak naman na mas maganda ako sa'yo." Sagot ko sa kanya.

"Mas maganda ka nga, mas payat naman ako sa'yo." Sagot naman niya.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now