Chapter 30: Welcome back

99 28 0
                                    

Brithella's POV

It's monday. Maaga akong nagising dahil sanay lang din naman ako. Pababa pa lang ako ng hagdan nang may maamoy akong mabangong luto. Sino kaya 'yung nagluluto? Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina at nando'n si Darylle

"Good morning sista'! Tutal wala pa kaming pasok at welcome back niyo ngayon sa school niyo, maaga akong nagising at ipinagluto ko kayo ni ate Gretha." Litanya niya 'tsaka nilapag sa lamesa ang panghuling hotdog na niluluto niya.

"Aba ang sweet naman. Eh si Gretha tulog pa ba?" tanong ko. Tinanguhan niya ako bilang sagot. Nakatutok na kasi siya sa cp niya pagkatapos niyang magluto.

Umupo na ako tsaka kumain na. Magaling pala siyang magluto. Ang sarap ng niluto niya. Lalo na 'yung fried rice.

"Ahm Darylle, mauna na ako sa taas. Mag-aayos pa ako. Thankyah sa puds! Next time ulit ah ipagluto mo ako." Giit ko sa kanya at umakyat na sa taas. Maliligo pa ako at aayusin ko pa ang sarili ko kaya nagmamadali ako.

6:57 na nang matapos akong mag-ayos. Nagpaalam na muna ako kay manang bago umalis ng bahay. May kasama kasi kaming tatlong katulong dito.

Nagcommute nalang ako dahil hindi ako masusundo ni kapre ngayon 'tsaka 'yung kotse kasi namin wala pang magdradrive. Ayoko namang sumabay kay Gretha.

Pagkarating ko sa school madaming nagbago. Parang kailan lang no'ng pumunta kami ni kapre dito.

"KYAH! Arcie!!" Hindi ko man alam kung nasaan siya at akala mo kung sinong makasigaw, alam kong si Yanna 'yun. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalon sa harapan ko at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Namiss kita. Ikaw kasi may pawalk out walk out ka pang nalalaman." sabi niya sa gitna ng pagyayakapan namin.

"Ako rin kaya. Forget about the past Yans, okay? Nasaan pala 'yung dalawa?"

"Arcie!!" sigaw ng dalawang babae. 'Speaking of the--' "Over here! Sa likuran niyo!" dagdag pa nilang sabi ng chorus. Aba'y mga singer 'tong dalawang ito.

"Uhy namiss ka namin." sabi ni Gly sabay hampas sa akin.

"Ako rin Gly!!" sagot ko naman sa kanya sabay hampas din. Para kwits lang.

"Saan ka pala napadpad couz? Paano mo nahanap 'yung totoo mong nanay? Naks! Mayaman na ang bruhilda! May kakambal ka pala! Hay naku. Nakakagulat talaga ang mga pangyayari." Patawa tawa na sabi ni Cass. Namiss ko 'tong mga 'to. Mga abnormal parin sila 'gaya ng dati.

"Long long long story eh!! Pasok na muna tayo ikwento ko na lang mamaya."

Um-oo silang tatlo 'saka sabay sabay kaming pumasok. Kailangang humiwalay ni Cass at Yanna sa amin dahil hindi namin sila kaklase ni Glyza. Pagkapasok namin sa room kami na lang ang hinihintay. Sakto ring kararating lang ni kapre kasama si Kurvi. Dito na ba siya sa section namin?

Kumindat sa akin si kapre kaya napa-iwas ako ng tingin at tumama ang mata ko sa pwesto nila Gretha. Classmate rin namin siya? Aist!! Badtrip naman oh.

Umupo na kami sa upuan namin bale ganito yung pwesto;

[PAULYN] [MIA] [MIKO] [JUDE] [KURT] [MONICA] [AKO] [ATHENA] [GLYZA] [RENZO] [KURVI] [KAPRE]
[MENDY] [NICOLE]
[GRETHA] tapos may tatlo siyang kasama na babae and the rest na hindi ko nasabi eh sa likod na. 34 kasi kami na nandito. Halatang nagulat sila sa nakita nila, I mean dahil sa amin ni Gretha. Hello she is my twin by the way! Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat 'yung nasa akin 'yung atensyon.

"So totoo nga talaga na may kambal siya."

"Girls, pero mas maganda 'ata 'yung isa. 'Yung mataray."

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now