Chapter 36: Under the rain

111 34 19
                                    

BRITHELLA

Nagmumukha na akong zombie dahil sa eye bags kong busog sa pagpupuyat. Tinapos ko lang naman ang project namin ni Renz na portfolio kagabi plus yung mga pinapagawa ni sir Calba at ma'am Lopez.

Itong si kapre kasi hindi siya pumayag na gawin namin ni Renz yung project and guess what... sinabihan niya pala si Renz na iwasan niya na ako at kailangan niya ng dumistansya. Baliw talaga yung lalaking 'yun pati ba naman yung kaibigan niya pagseselosan niya?

"So Allysa ok lang ba sa iyo?" nagulat ako sa tanong ni ma'am." Bukas kasi kailangan kita sa bahay para sa mga hindi ko pa na record na quizes at activities ng Neon Section."

Lagi nalang ba ako? Hindi ko na kasi responsibilidad yung mga ganyan. Nakakabanas na rin minsan. Nasobrahan na ako sa kabaitan.
"Allysa are you with me??"

"Ah, yes ma'am!" sapilitan kong pagsasangayon. Supposedly may date sana kami ni kapre bukas. Pwede naman kami magdate sa bahay nila ma'am 'di ba? Pagkatapos ni ma'am Lopez si sir John naman ang sumunod. Nagpasa lang kami ng portfolio.

Third period naman si sir Calba. Wala siya kaya nagfiesta tong mga kaklase ko and after third period lunch na naman. Wala kaming Music Period every friday. Buti nalang sabay ang cluster, neon, diamond, and star. As usual tawanan at tuwaan. Bilib ako kila Renz, Ivan at kapre. Si kapre ex niya si Glyza which is girlfriend naman ni Ivan ngayon, si Renz may special feelings sa akin pero kami na ni kapre. Oo kami na. Kagabi lang. Tinanong ko siya kung ano ba kami at ang sagot niya "AKIN KA NA AT AKIN KALANG. SA AKIN KA NA AT SA AKIN KA LANG." Kaya nong ako naman ang tinanong niya, ang sagot ko ay, "Akin ka at handa kitang ipagdamot kung kinakailangan." 

Pagkatapos ng lunch pumasok na rin kami, nagkakatuwaan pa rin kami pero hindi na tulad ng dati. Switch mode talaga kasi si kapre.

Pagkatapos ng apat na subjects. Common sense lang syempre uwian na. Hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko yung sinabi ni ma'am Lopez.

"Kanina ka pang walang imik. May problema ka ba?" Geeze! Nasa tapat na pala kami ng bahay, lumipad na naman kasi yung utak ko.

"Eh kasi.... " tumigil ako saglit. Ano na namang sasabihin ko? "Kapre si ma'am Lopez kasi pinapapunta niya ako sa bahay niya bukas. She need my help"

Ngumiti siya sa akin tyaka hinawakan ang kamay ko. "Its ok I'll go with you. "Nagulat ako sa sinabi niya.

"Talaga?" gulat kong tanong "I love ypu talaga kapre ka." O.M.G! Pinayagan niya ako plus he offered na sasamahan niya ako.... see? Perfect boyfriend ko talaga siya. This will be exciting.

"I love you too babe. Sige pumasok ka na. Good night. See you in my dreams.

***

Saturday morning drew. Excited lang naman ako. Eh syempre 2 hours lang naman ang kailangan ni ma'am Lopez tapos date na namin ni kapre. Dito lang din sa village ang bahay nila ma'am pero nasa dulo.

"Aba! bihis na bihis ka ate. Saan lakad?" Nginitian ko si Darylle ng pagkatamis tamis. Alam niya na sagot diyan. May lakad din kasi ang babaeng ito pero ang totoo magwawalay lang naman.

"Darylle huwag magpapagabi, ha? naku malalagot ka talaga sa akin"

"Ano ka ba ate hindi na ako baby ano!!"

Imba din tong kapatid ko. Tinext ko na si kapre kung nasaan na siya. Iba din talaga kapag love. Pagkalabas ko ng bahay nasa labas na din siya. Geeze! Ang porma niya. Nakagray v-neck shirt siya then black pants. Sobrang gwapo niya sa suot niya. Ako? Hihi nakapants rin ako ng black tapos blue na v-neck shirt na may BACK OFF GIRLS na letterings sa likod at may fist (👊) style sa harap.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now