Chapter 5: Fake Relation

169 47 2
                                    

ARCIE

Habang wala pa siya ay nauna na akong umalis sa condo niya. Sobrang bagal niya kasing gumalaw. Friday na ngayon. I got absent for almost two days. Buti nalang meron talaga siya kung hindi ay baka malamig na bangkay na ako ngayon.

Hindi ko namalayang dumating siya noong gabing iyon. Iniiwasan ko namang masaktan pero hindi ko kayang takasan. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo.

"Ahy kabayo!" Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina. Papatayin ba ako ng ga--

"Hop in."

"Teka? Sinusundan mo ba ako?"

"Saan ba iyong school?"

Sumakay na ako sa kotse niya. Hindi pa naman kasi ako nakakalayo eh. Ang tanga ko talaga! Anong sinusundan nga naman. Sakanila pala iyong school. Sorry naman nakalimutan ko.

"Sabi ni manang nagmamadali ka raw." Napatingin ako sa kaniya. E, ano naman ngayon? Don't tell me, concern siya?

"Ah eh! Ano kasi nahihiya akong makisabay sa iyo...alam mo na."

"Tsk! Ang nega mo! Tinutulungan na nga lang kita eh. Don't mind them, okay??"

Juiceme! CONFIRMED. Concern nga siya. Tomato on my cheeks.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Hindi naman kita kilala at ganoon ka rin, hindi ba?"

"O sige. Bumaba ka na lang at maghanap ka ng matutuluyan mo."

"Bakit nga?"

"Sino bang tumawag kagabi at nagpakaawa? Binalaan mo pa ako kaya syempre kahit naiinis ako sayo e nakaramdam pa rin ako ng awa."

"Baki ka naman maaawa sa akin e kaaway mo nga ako?"

"Destiny's Reason."

Hindi ko na pinansin iyong sinabi niya. Destiny's Reason? Ano bang pagkakaiba ng soulmate sa destiny?

Swerte lang ng lalaking ito dahil maraming nagmamahal sa kaniya. Wala pa nga kami sa loob ay marami ng naka-abang sa kaniya sa gate. Akala mo kung nasa bundok na nawawala itong mga babae na sobra kung makatili. Ang sakit lang sa tainga.

Naka-milo kayo mga ate?

Una na akong bumaba. Ang dating maingay na nakakasira sa tenga na paligid ay biglang tumahimik na nakakabingi. Bumaba na rin siya.

"An angel passsed by," bulong niya kaya natawa ako. Anong angel? Anghel na ba ang tingin niya sa sarili niya dahil tinulungan niya ako?

"Slap me!!!"

"Seriously?"

"No!!!"

"Magkasabay sila?"

"Sino siya?"

"He's girlfriend?"

"Wife?"

"Fiance?"

"But she's a nerd!"

"Got it! His MAID!!"

"HAHAHA"

Ilan lang naman iyan sa sinabi nila. Tsk! Porke kasama ko lang ang kapreng ito tapos ganya'n na agad?

Bigla niya akong inakbayan at gulat na gulat akong tumingin sa kaniya ng may pag-aalinlangan. Medyo nakakailang din.

"Everyone, she is my GIRLFRIEND!" sigaw nya at ngumisi ng nakakaloko sa akin. Pinapakiusapan niya akong sakyan ang sinasabi niya.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now