Chapter 21: THIRD DAY: THE TRUTH BEHIND THE LIES

114 38 0
                                    

Arcie's POV

Dahan dahan kong minulat ang naka-idlip kong mata. Napasarap yata ang aking tulog. Agad namang tumambad sa akin ang mainit na sikat ng araw. Nakaramdam ako ng pagkahilo pero nagawa ko paring tumayo. Ang sakit ng ulo ko. Nawalan pala ako ng malay kagabi. Ano kayang mangyari? Si kapre, nahanap na kaya nila?

Napahawak ako sa headbed ng kama dahil nakaramdam ako ng saglitang pagkahilo nasabayan pa ito ng pag-iyak ng aking tyan. Naku gutom na ang alaga ko. Napasinghap nalang ako dahil sa sobrang kasakitan ng tiyan ko.

Mabilis akong nagpalit ng short. Buti nalang may short akong nadala. Lumabas na ako ng kwarto at saka sila hinanap. Bakit tahimik? Madaming turista ang nandito pero hindi ko nararamdaman yung presensya ng aking mga kasamahan.

"Good morning Cass. Si kapre nakita niyo na?" Hindi niya ako sinagot. "Pahingi ako ng isa ah?" sabi ko sakanya. May iniihaw kasi siyang hotdog. Nagulat ako sa naging reaksyon ng mukha niya. Alinlangang ngiti ang ginanti niyang sagot sa akin. "Huag nalang pala. Hehe!" Baka kasi labag sa kalooban niya na kumuha ako sa iniihaw niya.

"Ah hindi. Kuha ka lang ng ahm ano kuha ka lang ng gusto mo"

Kumain ako ng hindi umimik. Anong meron sa kaniya? Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya akong kausap. Parang iniiwasan niya ako ngayon.

"Ahm Cass doon na muna ako kina Yanna."

Gaya kanina ay alinlangang ngiti ang sagot niya kaya nakakagulat siya. Napakagat labi nalang ako na lumapit kina Yanna na nagbabasahan sa beach. Hindi pa naman kasi masyadong mainit.

"Yanna?" tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Lumayo sila sa akin. Kasama niya sina Barbie, Desire at Leah.

What's with them?

Inikot ko ang paningin ko at nasilayan ko sila Gleinah na nagphophotoshot kaya dali dali akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Hi Glei!" bati ko pero umiwas siya ng tingin. Tinakbo takbo ko pa sila tapos deadma lang pala.

"Uhm doon naman tayo guys." sabi ni Lyca. Magkakasama sila nina Jay,r Ryan at Gleinah.

Ang weird nila. Halatang iniiwasan nila ako. Pinanood ko nalang silang apat na naglalakad palayo sa akin.

Bakit ba kasi nila ako iniiwasan? Bakit parang wala si kapre? Hindi pa ba nila siya nakikita? Juice ko!

'Baka may pinuntahan?'

'Nauna na siyang umuwi?'

Ewan ko.Hindi ko alam. Sumasakit na naman ang ulo ko kakaisip. Nakita ko si Gly na kasama sina Renz kaya lumapit ako sakanila.

Bigla silang tumahimik nang maramdaman nila ang presensya ko. Para bang nakakita sila ng multo.

"C.R lang ako. Hehe!" nahihiya kong sabi pero sa totoo palusot ko lang iyon. Halata kasing iniiwasan nila ako. Bakit kailangang maging ganito ang araw ko? Sana hindi nalang ako nagising kaysa naman sa makakaramdam ako ng pag-iisa.

Nasan na ba kasi si kapre? Argh! Naka-inis na. Sana hindi nalang pala ako sumama dito. Ang malas ko masyado. Puro pajama na ngalang ang nadala ko tapos hahantong pa sa ganito ang mangyayari sa akin dito. Bakit ba kasi nila ako iniiwasan ?

'Baka sinisisi ka nila sa pagkawala ni Kyle.'

Napa-isip ako.

Wala pa kaya si kapre? Hindi pa ako pinapansin ng mga kasamahan ko. Pakiramdam ko tuloy ay may nagawa akong mali, na para bang kasalanan ko ba kung bakit wala si kapre.

Pabalik na ako sa cottage na nirentahan namin nang marinig ko silang nagtatalunan.

"Niloloko? T-teka— sinong niloloko?" naguguluhan kong tanong. Natigilan silang lahat ng makita nila ako. Para bang nakakita sila mg multo.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon