Chapter 6: Kyle's friends

175 47 2
                                    

ARCIE

Pagkalipas ng ilang mga araw, walang nagbago sa paligid ko. Sa school, kami ni kapre ang hot topic. Chismis dito, chismis doon pa rin sila about sa amin. At gaya ng lagi kong ginagawa hinahayaan ko nalang sila. Sayang lang kasi ang oras ko kung pansinin ko sila. ABA! Gold yata ang oras ko. Isa-isang pinakilala sa akin ni kapre yung mga kaibigan niya noong dinala niya ako sa tambayan nila.

*FLASHBACK*

"Eh saan ba kasi tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin, ha kapre?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ito yung papunta sa college building. Ano namang gagawin namin doon?

"Nandito na tayo kaya huwag kang maingay."

Napanganga ako sa sinabi niya. Tumigil kami sa harap ng pinto ng isang silid na mag-isa at wala ng katuloy na iba pang silid. Ito ba yung sinasabi niyang tambayan nila?

Siya ang unang pumasok at sumunod naman ako. Gulat ang unang masasabi ko sa reaksyon ng mukha ng mga kaibigan niya. Nahihiya ako sakanila.

"Dre, iba talaga ang tukso ano." sabi nong LANCE? Siya yung nasa larawan na pinakita ni Alexa sa akin.

"Oh anong masasabi niyo? Nandito na siya ngayon, kayo na mismo ang magsalita." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni kapre. Anong ibig niyang sabihin?

"Hi Arcie! I'm Ivan Lee Mice." Nilahad niya sa akin yung kamay niya. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkamay.

"Hi! Kambal mo si Yanna?" May pagtataka kong tanong.

"Naayyy!! Kita mo nga naman 'dre." Tinapik niya sa balikat si kapre. Anong mali sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako. "The one and only." sagot niya saka kumindat sa akin.

"Ehem!" Lalo pa akong nakaramdam ng hiya dahil sinenyas ni kapre yung kamay namin ni Ivan na magkahawak pa rin.

"Lance Draco . Nice meeting you Arcie." Nakipagshake hand din siya sa akin.

"Hi sweetheart! Kurvi Chan, ang nakatadhanang magmahal sa iyo." Nilahad niya rin sa akin ang kamay niya pero nong iabot ko na ang kamay ko ay mabilis niyang kinuha yun at saka hinalikan.

Anak ng....

Binato agad siya ni kapre ng ballpen at nagtatatalon-talon sa tuwa si Kurvi.

"Si Renz Ortega yung isa. Bad mood kaya ako na ang magpakilala para sakanya." Tinignan ko yung isa pa niyang kaibigan na seryosong naka-upo sa sofa. Wala sa akin ang paningin niya pero namagnet sa kaniya ang mata ko. "Tsk! Matunaw yung kaibigan ko."

Anak ng... magkukunwari pa ba akong hindi siya kilala? Ang gwapo niya talaga.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi ni kapre. Hindi rin kami nagtagal doon sa tambayan nila dahil magkaka-iba kami ng silid at dapat mauna na kami ngayon ni kapre.

"What can you say about my friends?"

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Nakakatuwa silang kasama. Kaya pala may pagka-abnoy ka eh."

"Pagpasensyahan mo na sina Ivan at Kurvi, malakas talaga yung topak ng dalawang yun."

"Tsk! Nakakatuwa naman sila. 'Di na ako magtataka kung bakit sobrang kulit din ni Yanna."

*END OF FLASHBACK*

Wanna know kung may feelings na ba ako kay kapre? Well, NO HARD FEELINGS. WALA! As in W.A.L.A.

Sabado kasi ngayon at hindi ko alam kung bakit nagpaluto si Kyle ng maraming pagkain. Siguro papakainin niya yung mga barkada niya dito. Si Renz? Minsan nakakasalubong ko siya pero hindi kami nagpapansinan dahil hindi pa kami masyadong close. Sina Ivan, Kurvi, at Lance lang ang pumapansin sa akin kapag nakikita nila ako. Akala ko pa naman ay friendly siya.

Unexpected Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora