Chapter 59: The reason behind

94 28 3
                                    

Brithella's POV

Nakakapagod ang dalawang araw na lumipas. Todo bigay effort kaming lahat. Lalo pa akong ginanahan nang sabihin sa amin ni Ma'am Avenhir na tatanggalin na daw ang bikini suit dahil baka magkaroon na naman ng panibagong isyu lalo na't isang enggrandeng selebrasyon ang gagawin namin at tiyak ding maraming uminom na mga kaklase namin.

Katatapos lang ng talent proportion. Sumayaw kami at kasama namin ang representative ng neon at star. Nag-collaborate kami, kumbaga. Mobe, teach me how to doggie at side kick ang sinayaw namin. Natapos din agad ang talent proportion.

Sunod sunod ang ginawa namin. Dalawang kwarto, para sa mga babae at lalaki. Inaamin ko, nahihirapan akong magpalit. Bukod sa hindi ako sanay ay hindi ko rin alam kung paano ba isuot ang mga damit na kailangan ko ng isuot.

"Let me help you, girl." Lumapit sa akin si Paulyn at sinara ang zipper sa likod ng gown na suot ko. Last wear na namin ito. Question and answer portion na namin.

"Salamat, paulyn!" sinsero kong tugon sakanya. Nginitian niya ako at lumabas na. Sunod sunod kaming lumabas. In-lined kaming mga girls at ganoon din ang mga boys.

Grabe! Ang gwapo ni kapre...

"Kyahh!! Kuya Kyle!!"

"Ang gwapo mo Kyle!!"

"Baby Kyle!!"

"Prince K!!"

"Gwapo din si Drix!! Kyah!!"

"Kyahh Drix!!"

"Si Lance din!!"

"Ang gwagwapo nila!!"

"Maski 'yung isa... 'yung nasa likod ni Drix!!"

"Wahh!! Si Honeylot... Ex ko 'yan!!"

"Ang gwagwapo niyo!!"

Grabe!! Ang ingay ingay nila. Kanina pa silang cheer ng cheer.

"Go Arcie! Go Yanny! You can do it, SURE YES SURE!!" Sigaw nila Cass at Gly. Napaka-supportive talaga nilang dalawa.

May kanya-kanya kaming mga taga-cheer. Mas maingay nga lang ang mga taga-hanga nina kapre, Lance at Drix.

"Ahem!!" kunwari'y umubo si Arfy. Siya ang Emcee namin ngayon. "So my dear fellow students please, stop yelling and shouting muna. We're going to ask the candidates. So--- "

Naunang tinanong ang representative ng gold. Walang tinanggal sa amin. Dalawang pair muna ang tinanong nila at pagkatapos ay, may mga mag-e-special number.

Si Yanna na ang susunod na tatanungin...

"Miss Mice, would you please move forward. Here is your question, You've been hurt for the first time, you almost gave him all the chances--- and if he'll do the same again for the last time, will you give him another one last chance?"

"Wahh!! Go yanny!!" Sigaw ni Gly.

"Yanny, kaya mo 'yan!!" Sigaw naman ni Cass.

"Yanny!!" Sigaw nilang dalawa ng sabay.

"Yanna Mice!!"

"Ipanalo mo ang section natin!"

"Go SADAKOO!!" Sigaw naman ni Ivan.

"Thank you for that wonderful question, Mr. Arfy! Good evening ladies and gentlemen, If we talks about giving a chance, then why would not I give him another chance if I know, he deserve it? They may call me 'tanga' but I doesn't care. I love him and I'm willing to give him all the chances I can give."

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now