Chapter 28: Life must go on

98 29 0
                                    

BRITHELLA ALLYSA

Mabilis na lumipas ang panahon. Bukas na kasi ang family reunion namin. Hindi parin ako pinapansin ni papa kaya ano pang silbi ng nandito ako kung iniiwasan niya ako dahil sa maling 'sinabi' ni Grithella.

Dapat kasi pinakinggan niya muna ang side ko para maintindihan niya. Aist never mind that issue. Namimili palang ako ng pwede kong isuot bukas.

"Ang cute nitong slay green na crop top!" Inobserbahan ko pa ng mas matagal ang aking sarili habang naka harap sa salamin.

Hindi naman siguro ako nagmumukhang ignorante, ngayon eh ano? Ang ganda talaga nito. Teka maghanap pa ako baka may mas better pa.

Kahapon kasi yung feeling na, first time kong pumasok sa pang mayamang mall at dahil nagmistula na itong palasyo sa kalawakan ay muntik na akong maligaw. Buti nga hindi namin kasama yung kakambal ko eh kasi, naku mamamatay ako sa -naiinis-ako-sa'yo look niya.

"Bet ko naman itong white na off shoulder!!"

"Who the hell'a told you to wear a clothe like that? Magdamit ka nga ng kompleto hindi iyong nakulangan ng tela!!"

Naalala ko na naman yung sinabi niya. Pumasok ka na naman kasi sa isip ko. Ano bang meron sa iyo, kapre? Bakit ako nagkakaganito? Galit dapat ako sa iyo eh!!

Inayos ko na ang nagulo kong damit saka binalik sa dating lalagyan. Itong white na off shoulder ang napili ko. It reminds me the presence of kapre.

            **************
MORNING DREW

Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko dahil sa pupuntahan at sasalubong na family reunion sa akin. We are on our way to Prevano De Hotel. Doon kasi gaganapin yung selebrasyon.

Magkaibang sasakyan ang sinakyan namin. Kasama ko si mama at Darylle dito tapos sa kabila naman sina papa, ate Daniella, kuya Daniel at Grithella. Ayaw yata nilang sumabay sa akin maliban kay ate Daniella.

Siguro isang kahihiyan nga para sakanila iyong nagawa kong 'ikabubuti ko'. Pagkatigil ng sasakyan sa harap ng isang malaking hotel ay naunang bumaba si Darylle. Sumunod naman kami ni mama.

Agad na tumakbo si Darylle papalapit sa grupo ng naggagandahang kababaihan. Lumapit din sila sa amin. Niyakap nila si mama saka hinalikan sa pisngi. Beso beso kumbaga.

"Hi ate Grets!!" isa isa nilang bati sa akin saka ginawa din nila yung ginawa nila kay mama.

"Guys, hindi siya si ate Gretha. Siya yung nawalang kakambal niya---I mean yung nawawala naming kapatid." Pagpapaliwanag ng kapatid ko. Kambal nga talaga kami ni Grithella. Napatawa nalang sila at humingi ng paumanhin.

Pinakilala ako ni mama sa iba pang relatives namin. Sabi pa nga nila ay halata raw na hindi ako si Grithella dahil magkaiba kami ng galaw saka nakita din daw nila kanina siya na itim na long dress ang suot.

Pagkatapos akong ipakilala ni mama ay tinungo naman namin ang third, second floor ng hotel kung saan puro mga matatanda ang nandito. Pinakilala ulit ako ni mama sa kanila. Yung iba nagulat saka hindi agad naniwala tapos yung iba naman, 'ahh talaga?' ganon lang yung nasabi.

Iniwan muna ako ni mama dahil nakihalubilo siya sa mga amiha's niya. Gusto ko sanang maglakad lakad kasi maboboring lang ako dito. Wala naman akong kakilala dito eh.

Pinapanood ko nalang sila na nagtatawanan, sumasayaw at nag-uusap. Magfacebook nalang ako. Bagong cellphone na naman ito dahil naiwan ko sa Batanggas yung binigay ni kapre.

Pagkalog-in ko ay may chat sa akin si kapre. Tinatanong niya kung nasaan ako. Kung okay lang ba ako. Bakit hindi draw ako nagpaparamdam. Buhay pa raw ba ako. Bakit hindi ko daw siya pinakinggan. Sa lahat ng ganyang chat niya sa akin, may isa pa siyang message na biglang nagsitaasan ang balahibo saka parang may lumilipad na paruparo sa tiyan ko.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now