Chapter 52: Lunch Break

80 27 0
                                    

Brithella's POV

Umupo muna ako sa isang bench malapit sa soccer field. Inaalala ko 'yung mga nangyari kagabi.

My infinite love...

"Ghad! Arcie!!" Nilingon ko si Paulyn. Papalapit sila sa gawi ko.

Baliw na baliw talaga ako kay kapre. 'Buti naman at bati na kami. Sabi kasi sa inyo eh, hindi niya rin ako matitiis. Patay na patay kaya sa akin 'yon.

Naputol ang pag-iisip ko ng may mambatok sa akin. Isa-isa kong tinignan ng masama sina aulyn pero hindi ko pa man sila natatapunan ng masamang tingin ay napako na sa akin ang masamang titig nila.

"I'm melting girls. Stop staring like that, It's disgusting!"

Agad na ngumiwi si Mendy. "You're not listening naman kasi, eh!"

"Yes because I'm Arcie---sabi ko nga hindi ako nakikinig, ano na ulit 'yon?"

"We've searched about Shieltiel's background." Seryosong sabi ni Paulyn.

"Yeah we really did and guess what? She has a Bipolar disorder. She is sick!" Mia giggled.

"And Arcie, baliw pala siya." Bumaba ang baba ko. Bumilog ang mata ko sa sinabi ni Nicole.

Baliw siya? I shouldn't ruin her birthday. I know, I didn't pero gano'n na din kasi 'yon. It was her most special day. Naaawa ako sakanya. Kaya pala, mabilis siyang umiyak. Iyakin. Galaw bata. Kilos bata. I'm pretty sure umiiyak 'yun ngayon. I felt guilt.

"She even hurted her first nurse. She is so scary! Grrr... " Napapikit si Mendy sa sariling nasabi.

"We have to go na. See you around again, arcie."

Nginitian ko nalang sila.

Naaawa talaga ako kay Tiel. She badly needs kapre. Should I let her borrow kapre, then? But kapre is not a toy, a stuff, a thing that can be easily borrowed. He's a human, a human who loves me. Hehe!

Paakyat na sana ako ng hagdan ng may marinig akong pamilyar na boses. Nakikipagsigawan.

"My ghad! Nakakaawa ka, Lance. Ha! Nakakaawa ka na nga lang natatawa pa ako sa'yo. At talagang may reserba ka? Ano 'yon, pinagsabay mo ba kami o mas nauna siya? My ghad! Naghanap ka talaga ng so called matured enough? As in mas matanda pa talaga sa atin? Bakit? Dahil ba masyado akong isip bata? Alam mo, maiiyak sana ako eh. Masasaktan pero... I can't stop my self from laughing. In every time I remembered what I saw, I just want to laugh all day. She is two years older than us. I can't believe it but well sana man lang humugot ka nalang sa barkada ni Paulyn. Mas bet ko pa sila. Oo nga pala, babawiin ko sana 'yung binigay ko sa iyong wristwatch na galing sa London."

Nanlaki ang mata ni Lance sa sinabi ni Yanna.

"Hay naku Lance, sayang naman kung ibigay mo 'yun do'n sa bago mo. Akin nalang may pagbibigyan ako."

"A-are you s-serious?" Tumango si Yanna 'tsaka natawa. "But you gave it to me. I'll tre---"

"No buts Lance, just give it to kuya Ivan, okay? I have to go na. Stay strong with your new lady." Kinindatan pa ni Yanna si Lance bago tumalikod. Hindi ko na pinansin si Lance, si Yanna ang sinundan ko ng tingin hanggang sa makalayo siya at do'n ko na siya tinawag.

"Oh hey! How are you? Tagal nating 'di nagkita."

Inobserbahan ko ang mukha niya. May nagbago sakanya. Malaki ang nagbago sakanya.

"Okay lang naman. Ikaw? Kamusta kayo ni Lance? May pag-asa pa bang ibalik ang nakaraan?"

"Hmm, wala na. Haha! Do you know, Beatrice Santiago? 'Yung binansagang good kisser lady but repeater."

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now