Chapter 57: Memories

82 29 2
                                    

Brithella's POV

Lumipas ang dalawang araw. Sabado na ngayon. Wala akong magawa. Nakahiga't nag-iisip.

"Mag-ayos ka may pupuntahan tayo?"

Natawa ako mag-isa sa naalala ko. Noong first date namin sa Starbucks.

"The hard way or the easy way?"

Linyang minsan niya lang sinabi pero tumatak sa isip ko.

"Who the hell'a told you to dressed up like that?"

Ang linyang, nakakatawa. Ang cute niya kapag sinasabi niya 'yan. Namumula ang pisngi niya't mabilis na umiiwas ng paningin sa akin.

"Palit na lang tayo ng damit kung gusto mo---"

Natawa na naman ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maisip ang first date namin.

"Sa susunod ulit putik magmini skirt ka na rin para perfect outfit na sa'yo."

Putik pa lang ang tawag niya sa akin no'n. Ewan ko kung bakit. Baka siguro dahil napagkamalan kong putik 'yung chocolate. Nakakatawa talaga.

"Kyle Blythe tagged you in a post."

'Yung pangalawa pa naman naming picture. Ang dami-dami kong naaalala. 'Yung mga masasayang ala-ala naming dalawa. Ang hirap kalimutan. Sa tuwing pipikit ako, mukha niya nh nakikita ko. Sa tuwing nag-iisip ako, mga nakaraang ala-ala namin ang pumapasok sa isip ko.

Mahirap ba akong mahalin? Bakit lahat na lang, lumalayo't nawawala? Kung hindi ngayon, kailan na naman? Nakakapagod. Lahat na lang.

******

Morning Drew...

Kailangan kong magsimba ngayon. Ang dami kong gustong ikwento kay Papa G. Ang dami kong gustong sabihin sakanya.

Katatapos ko ng malaigo nang biglang may kumatok.

"Ate, dadalawin mo din ba si Tita ngayon?" pasigaw na tanong niya.

"Nag-usap na tayo tungkol diyan, Darylle!"

"Pero ate, nakaka-awa si Tita. Ikaw ang hinahanap niya."

"Aist! Dadalawin ko siya ng kusa. Umalis ka na baka hinihintay ka na nila. Magsisimba pa ako."

Hindi ko na siyang narinig na sumagot. Mabilis akong nagbihis. 'Yung motor ko na muna ang gagamitin ko. Mabilis din akong nakarating sa simbahan. Magsisimula pa lang ang second mass.

Papa G, patawarin niyo po ako, kami. Bigyan niyo pa po kami ng pagkakataon upang magbago. Tatalikuran po namin ang kasamaan. Tulungan niyo po kaming iwasan ang tukso't kasamaan. Tulungan niyo po kami. Gabayan niyo po kami sa bawat kilos at galaw namin. ---

****

Papasok na sana ako ng elevator nang makita kong kakapasok lang ni kapre. Huminga ako ng malalim at pumasok na rin. Nagulat siya nang makita niya ako. Dadalawin niya rin siguro si Tita. Tatlo lang kaming nandito. Ako, siya at 'yong elevator girl.

"Yiee!! Sabi na nga ba hindi mo rin ako matitiis, eh." nagitla ako sa sinabi nung EG(Elevator Girl). Namumula ang pisngi niya't todo titig kay kapre. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo. Anong pangalan mo papa pogi?"

Tinignan lang siya ni kapre. 'Buti nga sa'yo. Maski ba naman dito sa elevator, maggagaganyan-ganyan siya? Ganyan din kaya ang ginagawa niya sa ibang lalaki ka sumasakay dito?

"Yiee!! Ang lambot ng kamay mo. Hindi ko na 'to bibi---"

"Puwede bang tumahimik ka? Rinding-rindi na ako sa'yo." singhal ko sakanya.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon