Chapter 18: Shopee

126 41 1
                                    

Arcie's POV

"Which looks better, that one or--- " tinaas niya pa ang isang damit na hawak niya, "this one?" tanong ni Gly.

Nandito na kami sa star mall. Madaming tao kaya nakikipag-unahan sila sa pamimili ng damit.

"Zazai mas bagay sa'yo 'yung light blue na cocktail." sagot naman ni Yanna.

'Hindi kaya, mas bagay kaya 'yung dark blue na cocktail dress.'

"Na-ahh!! Mas bagay mo 'to Gly." sabi naman ni Cass 'tsaka tinaas 'yung brown na cross-back dress.

"Grabehan lang Cassy? Bata pa ako eh. Magmumukha naman akong matanda dahil sa'yo'." sagot naman ni Gly. Ewan ko ba dito kay Cass sa dinami dami naman kasi ng kulay bakit brown pa?

Kinuha ko yung light pink na off shoulder dress 'tsaka lumapit sa kanila. Nasa left side kasi ako tapos sila ay nasa right.

"Gly, try mo ito." Agad niyang kinuha ang inabot kong dress.

"This one looks better. Ang ganda nito." Naghuhugis puso ang mata niya kaya natawa na lang ako.

Bet ko din 'yon pero wala akong kahilig hilig sa mga ganoong damit.

Pagkatapos ng dalawang oras na pagshoshopping NILA oo as in sila lang kasi hindi ako bumili kahit isa lang. Wala akong budget. Not enough money haha!! Pang meryenda ko lang talaga ang dinala ko. Hindi naman kasi ako 'gaya nila eh.

"Let's go na?" Pagyayaya sa amin ni Cass. Pupunta na sila sa cashier.

"Hintayin ko na lang kayo sa baba." Pamama-alam ko. Alangan naman kasing sumama pa ako eh wala naman akong binili.

"Teka Arcie, bakit wala kang kinuha na clothes?"

"Eh Gly naman, wala akong pera."

"Couz, libre nga ni Yanna 'di ba?"

"Naku!! Nakakahiya--- "

"Kulang pa nga ito sa atin, eh. Basta balik tayo do'n tapos mamimili ka, okay?"

"Naku 'wag na ka--- si nakakahiya..."

Tumahimik na lang ako dahil kinaladkad nila ako.

"Oh--- uhy isa isa lang girls." sabi ko. Madami na kasi silang pinili pero ni isa wala akong nagustuhan. Eh taste lang naman nila 'yung pinipili nila.

"Arcie, bagay sa'yo 'to. Promise!"

"Bebe Arcie, bagay din sa'yo ito, oh!"

"Couz, bagay din siguro 'to sa'yo."

"And this one also"

"Ito rin."

"Bet ko din 'to."

Sa dinami dami na nang napili nilang damit wala parin akong nagustuhan.

"Eh taste niyo naman kasi 'yung napili niyo." Natatawa kong sabi.

Napasimangot silang tatlo.

"Oh sige na nga, 'yan na lang sayang effort niyo."

"Whoah!!" sigaw nilang tatlo kaya napatingin ang mga tao sa amin tapos napatawa na lang kami.

"Thank you for shopping, Ma'am's. Comeback again. Here's your card." sabi ng cashier.

Pinasok na muna namin sa kotse ni Gly ang mga binili namin.

Kakain na daw muna kasi kami.

Um-order si Yanna ng apat na special carbonara at pizza tapos strawberry float.

Unexpected Love StoryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu