Chapter 55: Coldness

72 29 0
                                    

Brithella's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil umaasa akong may tawag o text sa'kin si kapre. Pero, napabuga na lang ako ng hangin ng makita kong blangko ang cellphone ko. Hindi naman 'to naka-flight mode.

Ano na kayang nangyari do'n? Baka naman nagkabalikan na sila ni Keeshia?

Anak ng...

Demmit! Paano na lang kaya kung totoo?

"Ate, magpapalate ka ba?" maya't-maya'y tanong sa akin ng kapatid ko mula sa labas ng aking kwarto.

Agad akong tumayo at binuksan 'yung pinto. "Nandyan na ba si kapre?" Inilinga ko ang paningin ko sa paligid pero bumusangot ako't wala siya.

"Ang aga-aga si kuya kyle agad ang hinahanap mo. Ate naman, 'wag mong hintaying masakal si kuya Kyle sa'yo."

"Oo na. Sige na, maliligo pa ako. Psh!"

Ano na naman kayang problema ng kapatid ko? At bakit naman masasakal si kapre sa akin? Siya nga 'yung patay na patay sa'kin eh.

Tahimik kaming kumakain ni Darylle. Masyadong malalim ang iniisip ko at siya naman ay seryoso ang mukha. Sabay na din kaming pumasok pero mas nauna akong bumaba dahil sa kabilang campus pa siya.

Walang kapre ang sumalubong sa akin. Maski ang anino niya ay wala. Nasaan kaya siya? Kung may pinagkakaabalahan man siya, ano kaya 'yon? Mas importante ba 'yun kaysa sa'kin?

"Uhy!" Kinalabit ako ni Gly. "Nasaan si Kyle? Malapit ng pumasok si Ma'am Dina, bakit wala pa siya?"

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko nga rin alam eh. Simula nong naghiwalay kami nong Saturday, hindi na siya nag-abalang magparamdam sa akin."

"Hah?" Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. "Sino 'yung kasama niya kahapon? Hindi ba ikaw 'yon?"

"Hindi." Hindi rin makapaniwalang sagot ko.

May kasama siya kahapon? Sino at bakit? Anong eksena na naman 'yon? Ano 'to salitan kami? May eeksena sa buhay niya tapos kapag mawawala, sa akin naman sila eeksena.

"Hindi ba si Keeshia ang kasama niya?" Naniniguradong tanong ko.

"Hindi. Sino kaya 'yun?"

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Sino kaya? Kung hindi si Keeshia, sino? May tinatago ba siya sa akin?

"Good morning class!" Binati namin pabalik si Ma'am Dina. "So today will be your first day of examination review. I hope, alam niyo na kung bakit kailangang mag-mixed ang dalawang section. Para magkasya ang dalawang section sa iisang room, gagamitin natin 'yung vacant room ng grade 8. Nandoon na ang star section at kayo na lang ang hinihintay. Are you guys all present?"

"Ma'am, wala pa si Kyle." Sabi ni Gly.

"Ah yes! About Mr.Blythe, may emergency na nangyari sa family nila. So please be in aline and proceed quietly. Move on guys!"

Wala sa sarili akong nagpahuli sa linya. Kung may nangyaring emergency sa family nila kapre, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kailangang iparamdam pa niya na hindi ko na kailangang malaman ang bawat nangyayri sa buhay niya?

First building ang location ng grade 8 rooms. Ang room lang kasi nila ang may pinakamalawak na silid. Dinoble ang lawak sa silid namin kaya kasya ang dalawang section.

Hindi na kami nag-abalang makipag-unahan pa sa paghanap ng mauupuan dahil may nireserba na si ivan para sa aming tatlo nila kapre.

"Nasaan si Kyle?" Agad na tanong niya sa amin. Sinagot naman siya ni Gly na may emergency sa bahay nila.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon