Chapter 43: The Problem

75 25 0
                                    

Ps. Si ARCIE SANTOS po ay si BRITHELLA ALLYSA ASANTI DELA VEGA.😊
***

Brithella's POV

Tulala akong pumasok sa school. Sariwa parin sa isip ko 'yung nangyari sa amin ni kapre. Hindi ko akalaing kaya niya akong sampalin.

"Arcie?"

Inangat ko ang ulo ko mula sa table ng upuan ko.

"Okay ka lang?"

Nginitian ko nalang si Ivan. Wala akong ganang makipag-usap. Wala din akong ganang makinig sa bawat lecturer na pumapasok sa room namin. Buti naman at hindi na ako ginugulo nila Ma'am Lopez at Sir.Calba.

"Ahm gusto mong lumabas?" Tanong niya ulit. Umiling lang ako at pinatong ang braso ko sa desk ng upuan ko at pinatong ko naman ang ulo ko.

"May alam akong isang lugar na makaka-alis ng problema mo."

Hindi ko parin magawang pansinin si ivan. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Minsan lang ito arcie. Minsan mo lang itong gawin sa buhay mo. Pumayag ka na.

"Sige arcie labas muna ako."

Pumayag ka na kasi.

Magcutting class muna kayo ngayon.

Ngayon lang 'to arcie.

Pumayag ka na.

Nag-angat ako ng ulo at huminga ng malalim.

"Ivan..." Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sakin. "Hintayin mo ako."

Inayos ko lahat ng gamit ko at nagmadali akong pumunta sakanya.

"Bring me somewhere." Sabi ko pagkalapit ko sakanya.

"As you wish bestfriend." Sabi niya naman at inakbayan niya ako.

***

Glyza's POV

Kanina ko pang hinahanap si pepper pero ang sabi ng ilan sa mga classmates niya ay nagcut daw sila ng klase.

I asked kung sino ang kasama niya and ang sabi babae 'daw'. Ang lakas talaga ng kutob ko na nagsisimula na siyang lokohin ako.

"Uhy girl, maawa ka naman sa kinakain mo. Durog na durog na 'yan." I was snapped back dahil sa sinabi ni cass. Naparingin ako sa plato ko at durog na nga 'yung meat.

"Hindi ka magagawang lokohin ni kuya zazai kaya wag kang pranning." Napagaan kahit kaunti ang loob ko sa sinabi ni yanny pero iba talaga ang pakiramdam ko eh. Parang may mali.

"Pero kasi parang may mali eh. Dati naman lagi siyang nagpapa-alam sakin. Ngayon lang talaga."

"Okay Okay! Calm down gly. Ganito nalang. Gagawa tayo ng excuse form natin then ipapasa natin sa office para makalabas tayo ng school at para mahanap natin si pepper labs mo. Okay? Wag ng pranning."

"Oo nga naman zazai. Tama si cass."

"Thank you guys." Sabi ko na lang sakanila.

Hindi pa namin nakaka-usap si arcie. Ang galing niyang magtago eh kaya hindi namin mahanap-hanap. Kapag nakikita naman namin siya mabilis siyang umiiwas sa amin.

Sana maging okay na siya para hindi na siya mahirapan at baka madepress pa siya.

Alam kong nagkagusto si pepper sakanya at ganoon din 'yung tatlo pa sa barkada pero hindi ko sila masisisi. Mabait si arcie at ayokong isipin na ginayuma niya ang mga lalaki sa barkada. Special friend ko si arcie at ayokong husgahan ko siya ka-- agad lalo pa't hindi ko pa siya nakakasama ng isang taon.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon