"Ah I think you should not say that infornt of me." sabi ko sakanya. Kasi parang ambastos lang

"Ow--okay, Sorry. So Nash, gusto kitang isama mamaya sa bahay namin. Magdidinner tayo with my mom and dad. Okay lang ba sayo?"

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

Kimeeko's POV

"Hello ma?"

[Oh anak, napatawag ka?]

"Ah kasi mama, asan po ba yung susi ng bahay natin?"

[Huh? Bakit mo naman hinahanap? Dyan ba kayo titira ni Nash?]

"Ah opo" Okay, I lied. Syempre, ayokong malaman ni mama na umalis ako sa condo ni Nash noh,  baka umabot pa sa nanay ni Nash at kay ate Aphro eh. Baka pilitin pa akong bumalik dun. So its better this way

[Ah ganun ba? Tetext ko na lang si Kathy, hintayin mo na lang siya dyan.] sabi ni mama sakin sabay end call.

So ayun, naghintay nga kami ni Meeson sa labas ng bahay, nakaupo lang kami sa may bench na malapit sa bahay namin.

"Kim?" napaangat ako ng ulo nung marinig ko ang boses na yun. At hindi nga ako nagkakamali.

"Oh Earth, anong ginagawa mo dito?"

"Well, dito ako nakatira."

"H--huh? Last time sabi mo sa condo unit mo na ikaw titira. Tapos ngayon, dito ulit? Hindi kaya parang sinusundan mo naman ako nun?"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Tss, haha. Hindi ba pwdeng coincident lang? Hindi mo ba alam yun Kim? Haynako. Ikaw talaga. Tsk, sige. Una na ako ah." sabi niya sakin tapos dumiretso na sa apartment na katabi ng bahay namin.

Earth? Sino ka ba talaga? Bakit parang kung nasan ako, nandun ka rin? Okay, tama na nga to. Baka masyado lang akong assuming. Kung ano ano naman kasi ang pumapasok sa isip ko eh.

"Tsk tsk tsk. Hay! Nasa loob na ng bahay yung tao, pero nakatingin ka pa rin. Yan ba yung tinatawag nating pasulyap-sulyap lang?"

"U--uy Kathy, andyan kana pala? Kanina ka pa ba?" ako na nataranta. Si Kathy nga pala ang pinsan ko.

"Ah hindi naman, narinig ko lang ang usapan niyo. Haha. Oh-- teka, bakit kayong dalawa lang ni Meeson ang andito? Akala ko ba pati si Nash kasama?" Kathy na nagtataka

So ayun, pumasok muna kami sa bahay. Tapos habang inaayos namin ang gamit namin, sinasabi ko naman sakanya ang nangyari, napapamura nga siya kay Nash eh. Pero okay lang rin, ganun din naman ako eh, napapamura talaga ako pagka naaalala ko yung as starbucks.

Yulie's POV

"Sige na Yulie, gusto ko ng pick up line. Nakita ko sa internet, uso yun sa mga nasa stage palang ng ligawan." sabi pa ni Kenchan sabay kulbit sakin

Kanina pa kami andito at kanina niya pa ako kinukulit sa mga pick-up pick-lines na yan! Eh lecheng pasimuno naman yan! Sino ba may pakana nito? Tsk. Hindi pa ako ready, wala naman akong alam sa mga ganyan eh. Pero may nabasa ako sa twitter minsan eh

"Kenchan, wala talaga. Wala akong alam na banat. Pwde ba? Wag mo na akong kulitin. Kasi ayoko ng makulit." sabi ko sakanya

"Ay lecheng manliligaw naman oh! Gusto ko nga ng pick up line! Ano ka ba! Nililigawan mo ba talaga ako?" sabi niya na halatang iritang irita na sakin. Aba! Ako din naman noh! Iritang irita din naman ako sakanya.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now