" Mommy naman! Bakit parang ang saya-saya mo? Di mo pa nga kilala yang mokong na yan."
" Cassidy Victoria Moore! That's not the right way to address your boyfriend ah! Sweet sweet ng tawag nya sayo, babe pa nga diba? Tapos ikaw? What's that? Mokong?! Your words hija ah! " napasapo na lang ako sa ulo ko. naloko na. mukhang kuhang kuha na ni Renz ang loob ni Mommy. Pinasadahan ko ng tingin ang walanghiya. Ngingisi lang sya habang pinagpapatuloy ang niluluto nyang ewan! Kainis! Wala na talagang matino sa araw ko simula ng dumating sya sa buhay ko!
" eh kase naman My! Nagpakilala lang sya sayo kanina na boyfriend ko, pinapasok mo na agad without confirming saken. Eh paano kung hindi pala at masamang loob yun? Eh di napahamak ka na? saka ano tong sinasabi nya saken na he's gonna stay here? " tuloy tuloy kong sermon dahil gusto ko lang ma-gets nya ang point ko.
" Cassidy hija, Day 1 pa lang ng relationship niyo alam ko na. alam ko kung kalian naging kayo. Even Renz' background alam ko na. kahit wala ka sabihin saken. Don't underestimate me hija. I have many connections. More than what you think. Nakakalimutan mo yata kung sino ang Mommy mo hija?" natameme yata ako sa sagot nyang yun. Bakit nga ba nawala sa isip ko yun? Napakadali para kina Mommy and Daddy ang pasubaybayan ako kahit dati pa man. Kinasanayan ko na nga yun eh. Pero I never thought na pati ganito kapersonal nalaman nila agad. Would It be possible na....
" M-Mommy, a-alam mo d-din ba na isa akong.... "
" Yes hija. Everything about you. lahat ng pinagkakaabalahan for the past three years alam ko. kami ni Daddy mo. At gusto lang namin malaman mo anak na suportado ka namin and we understand the reason bakit di mo pa sinasabi samin. Madalas naman namin kausap si Lyka eh. kaya panatag kame you're in good hands. "
" Si L-Lyka? My manager? You even have connections with her?! " di makapaniwalang sambit ko. everything I'm hearing right now is a blast! I cant believe this!
" Yes. We know her. And wag ka magalit sa kanya anak. Its our instruction na wag nya sabihin sayo na alam naman naming lahat right from the very start of your career. We even have a secret room here in our house. Isang room na punong puno ng mga posters, albums, magazines, newspapers.. everything about you hija. Hindi mo lang alam pero kame na yata pinakaupdated pagdating sa showbiz career mo. "
" A secret room? For real?! I want to see it Mommy! " I don't know what is called to what I'm feeling right now. But somehow, I felt relieved. Di ko na kailangan magdahilan everytime may commitments ako aside from my studies.
" Next time hija. Marami rami pa din tayong dapat pag-usapan. For now, asikasuhin mo muna tong pagkagwapo-gwapong boyfriend mo dito. Tulungan mo na sya magprepare ng dinner naten. And to answer your question earlier, yes, dito na muna sya tutuloy sa atin kahit hanggang bago lang makauwe Daddy mo. May hiwalay na guest house naman tayo sa likod diba? No more buts ok? Oh sya hijo, hija, got to go na. at mukhang namimiss na ako ng aking mga bulaklak. " humalik lang sya sa pisngi ko at ni Renz at saka tuloy-tuloy ng umalis. Ni di man lang nya talaga ako pinag-react pa. mamaya talaga kakausapin ko ng masinsinan si Mommy. Pagbabaguhin ko isip nya regarding pagpapa-stay nya sa damuhong to dito.
" Hoy Renz Timothy Anderson! Ano na naman bang trip mo ah? Hanggang kailan mo ko pepestehin? " patutsada ko agad sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko. Ang loko di ako pinapansin at hinaharap. Busy busyhan pa din sya sa paghihiwa nya.
" Ano? Bakit di ka sumasagot?!"
" Kiss muna, babe. " He said playfully. Kahit di nya ako hinaharap. Kitang kita naman sa side view nya na tuwang tuwa na naman sya sa pangtitrip nya saken.
" Kiss mo mukha mo! Alam mo ikaw nakakainis ka talaga eh! Puro pambubwiset alam mong gawin saken! I hate you! " balak ko sanang paghahampasin sya but he caught my hands fast at saka nya ako ipinuwesto sa paharap sa table habang nakayakap sya sa likod ko.
Tila nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ko ng naramdaman ko ang pagdaiti ng labi nya sa kaliwang bahagi ng leeg ko.
" You smell so fucking sweet, babe. " ngayon ako nagsisisi kung bakit ba itinali ko pa into messy bun ang buhok. He has all the access to my neck and I really don't like the feeling he is making me right now!
" R-Renz, stop it, ano ba?! Nasa paligid lang mga maids naming, mamaya nyan may makakita saten! Baka bumalik pa si Mommy! "
" Does it look like I care? Hmm... " tuloy padin sya sa pagsamyo sa leeg at tenga ko. at pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko anytime!
" Your mom said you should help me in cooking dinner. Let's drop the argument for now, babe. We can talk about that later, ok? " Napabuntunghininga nalang ako. Mukha namang wala ako choice eh. lagot din ako kay Mommy mamaya pag di ko sya sinunod. Ngayon pa na alam pala nya lahat ng pagsisinungaling ko.
" Fine. B-But you know.. I.. I.. I don't know how to cook. And don't you dare laugh! " bulyaw ko kaagad sa kanya na may kasama pang pagduro na tumama sa kanang mata nya. Nawala kase sa isip kong nasa likod ko lang pala sya at sobrang lapit lang ng mukha nya kung lilingunin ko sya kaya di ko inaasahan na sumakto sa mata nya yung daliri ko.
" Oh my gosh! Renz are you ok?! Im sorry... di ko sinasadya... " hinawakan ko kaagad yung magkabilang pisngi nya at bahagya ko inilapit yung mukha to check his eyes na natamaan ko. kinakabahan kase akong baka napasama ang tama ko sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Nakatakip pa din ang kamay nya sa kanang mata nya samantalang yung kaliwang mata nya ay nakapikit na tila ba may iniindang masakit. Shocks. Baka nga napuruhan ko yung right eye nya!
" Hey babe, sumagot ka naman, please. I'm worried. Patingin na kase ng mata mo please. Akina hihipan ko. "
Napasinghap ako ng ibaba nya ang dalawang kamay nya at walang sabing niyakap ako at hinapit palapit sa kanya. Di ako agad nakapalag dahil nakahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi nya. Ito na yata ang pinakamalapit kong distansya sa kanya mula ng makilala ko sya. At sa totoo lang, biglang nanuyot ang lalamunan ko. I don't even know if I have the courage to speak right now. Baka mahalikan ko sya sa konting kibot lang ng labi ko.
" Say it again Cassidy. I like to hear it again. " Ayoko man pero di ko maiwasan mapatingin sa labi nya habang nagsasalita sya. And God! Parang gusto kong himatayin na swear! Ni wala man lang bakas ng pagkailang sa lalaking to!
" R-Renz, let go of me please.. " uutal-utal na pakiusap ko sa kanya. Sya ang may hawak ng sitwasyon ngayon kaya walang lugar ang pagsusuplada ko sa kanya ngayon.
" That's not what I wanted to hear,babe. " nakakaloko nya pang sagot saken at saka mas hinapit pa ako palapit sa kanya. Jusmiyo! Naibaba ko tuloy yung kamay ko sa balikat nya.
" Please, b-babe... " kainis kase. Bakit ba nabanggit ko pa yung babe na yun kanina eh! napadako naman ang pansin ko sa kanang mata nya at medyo namumula nga yun. Nakaramdam naman ako bigla ng guilt. i reached for his right eye at marahang hinimas yun.
" Im sorry. Masakit pa ba? " naramdaman kong tila natigilan sya to my sudden action. Di lang siguro sya sanay na ganito ako kahinahon makipag-usap sa kanya. Ito nga yata ang first time.
" Mawawala lang sakit nyan pag kiniss mo." I saw how he genuinely smiled after he speaks. Di ko din naman napigilang mapangiti dahil somehow gets ko na ang ugali nya lalo na ang playful side nya.
Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita.
" Ah..eh.. Mam.. Sir.. excuse me lang ho pero kase ho umuusok na yung kawali niyo kanina pa ho yata." nakangiting puna samin ni Adelle. Yung mga tingin nya alam kong nanunukso. Gosh! Gaano kaya ako nagba-blush ngayon!
" Oh, fuck! I forgot that I'm cooking! God, babe! you're such a distraction! "
Di ko na din napigilang mapangiti sa kakatwang reaction ni Renz dahil nga kamuntik ng masunog ang niluluto nya.
Come to think of it, ilang beses na din kame nahuhuli sa ganung eksena. First and second time, yung mga ka-team nya. Ngayon naman si Adelle.
Should I expect more in the future?
I think the answer is definitely yes!
Hanggat boyfriend ko ang isang Renz Timothy Anderson.
أنت تقرأ
I'm A Nerd AND I'm Famous!
أدب المراهقينCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 10 : Say it again
ابدأ من البداية
