" Mahal mo? " this time napatitig ako sa mata ni Brix. I don't know pero parang may nakita akong pain sa mata nya after asking that. I mentally shooked my head. Imposible naman. Why would he feel that anyway?
" S-Syempre naman Brixy. S-sagutin ko ba kung hindi. " leche. Nauutal ako! How will I sound convincing?!
" God Cassy! Ano ba naman tong pinaggagawa mo? Parang nung isang lingo lang magkasama tayo. Wala ka naman nabanggit na may nanliligaw sayo! At bakit di mo naman agad sinabi saken? Ni hindi ko man lang nakilatis yung lalaking yun! By the looks of it, he's a perfect definition of an asshole! "
" Brixy naman! Don't say such words to him. Di mo pa naman sya kilala eh. " nakita kong nagulat sya with the way I defended Renz. Cant blame him. Kahit ako nagulat sa sarili ko eh.
" Sorry na Brixy. Wag ka na magtampo. Balak ko naman talaga ipakilala sya sayo eh. Bati na tayo please?" Sinundot sundot ko sya sa tagiliran nya kung saan sya may kiliti dahil alam kong yun kahinaan nya. Di ko sya tinantanan hanggat di sya ngumingiti. And I succeeded!
" Fine. Wala naman na akong magagawa. Andyan na yan eh. saka sabi mo mahal mo. Pag talaga nalaman ko lang na sinaktan at ginago ka nyan, ako unang unang babangas ng mukha nya. "
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nyang yun. Eversince talaga, he's always like that to me. He's like a protective brother to me. Ayaw na ayaw nyang may mananakit at magpapaiyak sa akin. Kaya spoiled na spoiled ako sa mokong na to eh.
" Ayiieeeee. Love na love mo talaga ako Brixy! Thank you talaga for being so understanding. " di ko na napigilang yakapin sya sa sobrang tuwa ko dahil bati na kame. Nabigla sya for my sudden action kaya napahiga sya sa kama. I ended up on top of him while giggling. While he suddenly became stiffed. At tila nabigla sa ginawa ko. Nanlalaki yung mata nyang nakatitig saken.
" Bakit Brixy? May dumi ba ako sa mukha? " di naman sya sumagot. Ganun padin reaction nya.
" Oh gosh! Nabibigatan kaba saken? Sorry naman! Hahahaha! " dali dali akong umalis. Kaya siguro sya naging stiffed dahil mabigat ako at nakadagan ako sa kanya. Arte netong si Brix ah. Dati pa naman ako malambing sa kanya eh!
He cleared his throat first pagkaupong pagkaupo nya ulit.
" A-alam ba nila Tito at Tita yang tungkol sa boyfriend mo? "
" Hindi pa nga eh. Pero don't worry I will tell them as soon as possible. Leave it to me. " i answered immediately just to make him feel assured.
" Siguraduhin mo lang yan Cassidy Victoria Moore ah. Oh sya, I better go. I still have commitments. Nasira lang talaga sched ko today dahil nga sa mga nalaman ko sayo. " tumayo na agad sya at tila lalabas na ng tawagin ko sya ulit.
" Hoy Brix Montenegro. You too have a lot of explaining to do. Anong ginagawa mo sa school naming kanina? At sa room pa talaga namin? " sya naman ang natigilan this time at agad na umiwas ng tingin saken. Huli ka ngayon. Sabi ko na nga ba at may dahilan kung bakit sya nandun eh.
" Fine. I will tell you. I planned on surprising you sana pero mas ako pa kase ang nasurprise kanina. Nagenroll na din ako sa Brenton U. diba dati mo pa ko kinukulit na ituloy at tapusin ko ang college. And now I finally decided to give it a go Cassy. Im back to schooling. Di nga lang regular sched. Alam mo naman ang showbiz commitments ko. "
Di ko napigilan magtitili sa sobrang saya. Finally! Brix has come to his senses! Dati ko pa kase sya ineencourage na di naman panghabang buhay na nasa showbizness kame. Iba pa din syempre ang may natapos.
" Teka, eh bakit nasa room ka namin kanina? Classmate tayo? Fashion design din kiinuha mo course? "
" Nope. Of course I took Mass Com. Alam mo naman pangarap ko yung course na yun dati pa. Nagpasama lang ako sa prof mong yun dahil nga susurprise nga sana kita. "
" Mass com course mo? Anong section mo? "
" M1. Bakit? "
" Owemgee! Classmate mo yung bestfriend kong si Dette!"
Napakunot lang noo ni Brix saken. Di naman nya kase kilala si Dette. I cant wait to tell Dette about this. For sure it will freak the hell out of her. I know how she hates Brix Montenegro bigtime! hahaha! Sa lahat daw ng artista ngayon, si Brix daw pinakaayaw nya dahil napakayabang daw. Kung saan galing ang hugot nyan yun? Di ko na alam sa kanya. Ang alam ko pa nga dati, crush na crush nya si Brix. I don't know the reason bakit biglang naging hate na nya to. Well, I don't know why but im kinda excited for their first encounter.
Nagpasya akong magpahinga at matulog pagkaalis na pagkaalis ni Brix. Tila naalimpungatan lang ako ng may maramdaman akong hangin na dumadaan sa mukha ko. Nag-inat muna ako ng bonggang bongga bago ako nagpasyang idilat ang mata ko.
Pagmulat na sana di ko na lang ginawa dahil sa mukha ng lalaking bumungad sa akin. Ilang beses ang ginawa kong pagkurap hoping na di totoo ang nakikita ko. pero hindi eh! sya talaga! Its freaking Renz Timothy Anderson!
And what's worst is di lang sya basta nakatunghay saken. Sobrang lapit ng mukha nya at tila ba kanina nya pa ako pinagmamasdan matulog! Napakislot ako at agad na hinahanap ang kumot ko at itinakip sa katawan ko. Bahagya naman syang lumayo sa akin.
My gosh! Im just wearing a sphagetti strap top ang short cotton shorts! Agad namula ang mukha ko at the thought na maaaring kanina nya pa pinagpipiyesta ang mata nya saken!
" W-What the hell are you doing here Renz?! P-Paano ka napakapasok huh! Mommmmmmy! " I called Mommy hysterically.
" Shut it, babe. People downstairs might get the wrong idea onto why are you screaming." Nakangisi at cool na cool nya lang sabi saken. Nakapamulsa pa ang loko na akala mo eh napakanormal lang ng ginawa nya!
" Eh paano ka nga nakapasok dito! Are you stalking me?! " I still said hysterically. Oh god! Im just dreaming right?
" Dumaan ako sa pinto nyo malamang. Pinapasok ako ni Tita Sandra. I just told her I'm your boyfriend. Simple as that. " Mas lalo yatang nanglaki yung mata ko sa sinabi nyang yun. Napatayo talaga ako at walang sabing lumakad palapit sa kanya.
" W-What did you say? Sinabi mo kay Mommy?! "
Imbes na sumagot, hinapit nya ako sa bewang palapit sa kanya saka ako binulungan.
" Dress up first babe. Then we'll talk later. One thing you need to learn about me is that I'm not that good in self-control. And right now, seeing you dressing that way is not helping at all. "
Agad nya din ako binitawan pagkasabi nya nun. Pero bago pa man sya makalabas ng pinto, he said another shocking statement that I think will ruin my current life bigtime.
" By the way babe, I will be staying here a for a while. Pumayag na Mommy mo. So I guess, its big Yes for you too. I will wait for you downstairs. " he even winked at me before closing the door.
Is this for real?
How the hell did this happen?
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 9 : Brixy
Start from the beginning
