Pagbabago

655 21 0
                                    

2014. January. Realidad.

Dear Sir Rolf,

Hindi na tayo nagkikita. Hindi ka na rin nagre-reply sa text ko. Walang message sa ref. Kumusta ka na? Dito na lang ako magtatanong kasi alam kong hindi ka okay. Hindi ka magiging 'okay' na kagaya ng dati. Nami-miss ko rin si Sir Amante...at nami-miss kita.

Kailan kaya ako uuwi na nagalaw naman ang almusal na iniwan ko?

Iniisip kita lagi.

Sana okay ka. Sana hindi ka nagpapagutom.

Gustong gusto kitang alagaan pero hindi ko alam kung paano kita aabutin. Ako na lang lagi ang mag-isang umuuwi ng Corazon. Kailan mauulit ang dati?

Love,

Daday (na malungkot lagi)



2014. Valentine's Day. Realidad.

Dear Sir Rolf,

Happy Valentine's Day. Lampas alas dos na, wala ka pa. Iniisip ko kung ano'ng ginagawa mo ngayon? Nagtatrabaho ka pa rin ba? 'Pahinga ka naman. Valentine's Day, sobrang tahimik sa kuwarto ko. Sobrang tahimik pero hindi ako makatulog. Hindi kasi tahimik ang puso ko.

Kanina, naisip kong i-text ka pero alam kong hindi ka na naman sasagot. Ang hirap na parang palayo ka nang palayo. Naisip kong maraming babaguhin ang pagkawala ni Sir Amante, hindi ko nga lang naisip na magiging ganito ang pagbabagong iyon.

Masakit na.

Nasasaktan na ako.

 Pero sino ba ako para masaktan.

Tanggap kong laging mangyayari ito, na masasaktan ako. Okay lang naman, sanay na ako. Ang gusto ko lang talaga, maging okay ka. Sapat na iyon.

I miss you.

Daday (na hindi makatulog)



2014. March. Realidad

Dear Sir Rolf,

Ang dami kong projects at assignments. Malapit na ang sem break kaya panahon na naman ng maraming activities. Hindi na ako umuuwi sa dating oras—hindi mo man lang alam. Ang mga messages ko sa ref, wala man lang sagot. Hindi ko alam kung ano'ng oras ka umaalis o umuuwi. Para na tayong hindi magkakilala.

Nahihiya na akong mag-text kasi baka naiistorbo ka lang.

Nami-miss ko 'yong dati...

Bakit kailangang mag-iba ang lahat?

Sobrang lungkot ko ngayon. Si Rolfie lang ang kasama ko. Wala nang magawa ang boy bawang para mabawasan ang lungkot ko. Ang sakit lang sa gilagid.

Ano'ng ginagawa mo?

Love,

Daday (na nag-iisip manood ng horror para makalimot)



2014. April. Realidad.

Dear Sir Rolf,

Mag-reply ka naman, oh? Uuwi ako sa Corazon. Hindi man lang ba kita makikita? Hindi man lang tayo magkakausap kahit sandali? Pauwi na sana ako ngayon pero gusto kong maghintay pa. Ano'ng oras ka darating?

Hihintayin kita...

3:30 na, wala pa akong tulog. Wala ka pa rin. Nasaan ka ba, Sir Rolf? Hindi ka uuwi? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. Nag-aalala na ako.

4:30, hindi ko na kaya ang antok.

Good morning, Sir. Please, be safe.

Mas miss kita ngayon.

Love,

Daday (na aantok-antok na pero ikaw pa rin ang iniisip)

Si Santa at Ako (Published. 2015) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon