Ang Pantasya

1.2K 31 0
                                    

ELEMENTARYA: Ang unang tibok ng puso ni Daday Negra

Pantasya Vs. Realidad:

Mary Dee – Daday

Mommy/Gracie – Nanay Gracing

Prince Roi – Dodong Puti


Pantasya 2008

"COFFEE or juice, Roi?" narinig ni Prince Roi ang boses ng kaibigang si Gracie. Dumaan ang babae sa tabi niya. Nasa sala siya at naghihintay. May pag-uusapan sila.

"Coffee, no sugar!" pasigaw na tugon ni Prince Roi, tuloy-tuloy ang mga hakbang ni Gracie paupunta sa kusina kaya kailangan niyang lakasan ang sagot sa tanong nito. Naudlot ang sana ay pagbuklat niya sa Magazine na hawak nang marinig niya ang malakas na boses ni Mary Dee, ang napakagandang dalagitang anak ni Gracie. Kumakanta si Mary Dee habang pababa sa hagdan. Nagkahugis ang ngiti sa labi niya. Alam ni Prince Roi na nagpaparinig ang dalagita.

Nakasimangot ka na lang palagi parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob...

Tuloy-tuloy na dumaan sa gilid ng sofa na kinauupuan ni Prince Roi si Mary Dee. Muntik pa siyang tamaan ng bag na bitbit nito kung hindi kaagad siya nakailag. Pigil na pigil niya ang sariling matawa. Alam niyang naiinis ang dalagita dahil hindi niya pinapansin.

Pagmumukha mo ay hindi maipinta, nakalimutan mo na ba'ng tuwawa, eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa... pagtutuloy nito sa kanta habang tila binibilang ang mga hakbang patungo sa main door. Eksakto hahawakan ni Mary Dee ang door knob ay tinawag niya ang dalagita. Tuluyan nang natawa si Prince Roi nang pumitlag si Mary Dee, naglaglagan sa sahig ang folders at notebook na kipkip nito. Pero sa halip na pulutin ang mga iyon, pumihit ang dalagita paharap sa kanya at ubod tamis ang ngiti.

"Ihahatid mo ako?" kumikislap ang mga matang tanong ni Mary Dee kay Prince Roi.

"No," pakli niyang naaaliw sa nakikitang excitement sa mga mata ng dalagita. "May pag-uusapan kami ng Mommy mo." Nalukot ang mukha ni Mary Dee. Bumusangot ito. Padabog na dinampot ang mga nalaglag na gamit. Napapangiting ginaya ni Prince Roi ang kinakanta ng dalagita kanina lang.

...nakalimutan mo na ba'ng tumawa eh sumasasayad na ang nguso mo sa lupa...

"Tse!" si Mary Dee at padabog nitong binuksan ang pinto matapos siyang tapunan ng matalim na tingin. "Your chinky eyes turned chinkier, sweetheart!" pang-aasar pa ng lalaki.

"Don't sweetheart me, ugly macho!" singhal na tugon ni Mary Dee, hindi lumilingon.

"Oh, I thought you—"

"Mali ang iniisip mo, hindi kita crush—oh no!" at nanlalaki ang mga matang natutop ni Mary Dee ang bibig. Lantaran man ang laging pagtitig nito sa kanya na para bang Greek god siyang naligaw sa lupa, madalas rin na nagpapacute ang ngiti at may mga ginagawa para magpapansin ay hanggang doon lang naman ang ginagawa nito. Si Gracie ang natatawang nagkuwento sa kanya na crush siya ng anak nito.

Nagkakulay rosas ang makinis na pisngi ni Mary Dee. Lalo na siyang naaliw sa nakikitang pagkataranta nito.

Nang tumayo si Prince Roi para lumapit ay biglang pumihit si Mary Dee upang marahil ay umalis na. Napangiwi siya nang tumama ang noo ng dalagita sa gilid ng nakaawang na pinto. Dinig pa niya ang malutong nitong aray.

"Bad shot, Mary Dee?" malakas niyang tanong at mabilis na nilapitan ang dalagita. Nakatungo ito at hinahagod ang nasaktang noo. Hindi magawang mag-angat ng tingin sa kanya. "Let me see..." hinawakan niya ang baba nito at iniangat ang mukha. Namamasa ang mga mata nito dahil sa pagkapahiya. "Huwag ka nang umiyak. Magpapanggap na lang akong hindi ko alam na crush mo ako," napapangiting biro pa niya habang inaalis ang kamay nitong nakatakip sa nasaktang noo. Hindi kumibo si Mary Dee, animo ay dagang nasilo sa pagnanakaw ng cheese. "Oh," nausal niya nang makitang namula ang noo nito. Masuyo niyang hinila ang mga kamay ng dalagita palapit sa mga upuan sa sala. Umupo siya sa sofa at hinila si Mary Dee hanggang nakatayo na ito sa pagitan ng mga hita niya.

"Nasaktan ka," si Prince Roi at maingat na sinipat ang namumulang bahagi ng mukha ni Mary Dee. "Ice bag." Ngunit naudlot ang pagtayo niya nang marinig ang mababang boses ni Mary Dee.

"Roi..." Mary Dee whispered, looking straight at his eyes. Na kung ibang babae ang nasa harapan niya baka naikulong na niya sa mga bisig at sinisiil na niya ng halik.

But this is Mary Dee, for goodness sake! She was just about thirteen years old! Ano'ng iniisip niya sa dalagita?

"What?" kaswal niyang tanong. Pinilit ikubli ang pagkaasiwa dulot ng matiim nitong pagkakatitig sa mga mata niya. Bumaba pa sa mga labi niya ang mga mata ng dalagita na para bang pinapantasya siyang hagkan. Nang tumikhim si Prince Roi upang putulin ang anumang namumuo sa utak ni Mary Dee ay unti-unting gumuhit sa labi nito ang ngiti. Pilyang ngiti pero naroon ang kakaibang tamis. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang hagkan siya nito sa mga labi.

At nahuli sila ni Gracie na pinigil ang tawa at pinagalitan si Mary Dee.

Sa pantasya ko, ganoon ang eksena. Nagmula ako sa 'sosyalen' na pamilya. Sosyal at mayamang ina, sosyal rin na mga kaibigan at may isang prinsipeng crush na naaaliw sa pagiging cute ko. Ang sayang isipin 'di ba? Pero hindi iyon ang realidad ni Daday Negra.


Si Santa at Ako (Published. 2015) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon