Colton nod his head. "Anytime by now."

"Let's try then!"

Do'n na bumaling sa kanya ang binata. "You will help me?"

"Of course! Bakit hindi?"

Pansamantala na lumipad ang mata nito sa babae sa likod lang niya, napawi bigla ang ngiti niya. Bumangon ito upang maupo sa bed, maagap niya itong naalalayan.

"Let's go to swimming pool area."

Umiling siya. "Later, you have to eat first." That made him groan. Kinuha niya ang kutsara at nilagyan iyon ng pagkain bago inumang sa bibig ng binata. "Ah,"

Colton leered but eventually open his mouth a little. She hid her smile at what he did.

Ang seryoso nitong mukha ay lalo lamang nagpapagwapo dito.

Makailang beses niya ng nasubuan ang binata nang makialam na ang babae.

"Ako na ang magpapakain sa kanya. Lumabas ka na."

Napatingin siya sa babae na nakatayo sa gilid niya tapos ay kay Colton para humingi ng kompirmasyon, ito ang boss niya, ito lang ang susundin niya. Ngunit tikom ang bibig ng binata, parang naghihintay pa nga na subuan niya, so that's what she did. Inumang niya ulit ang kutsarang may pagkain na kaagad naman nitong kinain.

"I said, get out!" Napaigtad siya sa pagtaas ng boses ng babae.

"Gail," May banta sa boses ni Colton ng banggitin ang pangalan.

Inagaw sa kanya ni Gail ang kutsara. Tumayo na siya upang hindi na sila magbanggaan pa nang maupo ito sa kaninang inuupuan niya.

Kinuha niya ang gamot ni Colton at inilapag iyon sa lamesa.

"Pagkatapos niyang kumain, kailangan ay mainom niya ang mga gamot na ito." Bilin niya sa babae habang inaayos ang mga tableta.

"Huwag mo akong utusan."

"Hindi kita inuutusan, binibilin ko lang."

"Hindi ako ang nurse niya at bakit ako ang magpapainom?" Gail lifted her eyebrow and look at her with pompous smile. "Ikaw ang nurse, do your job."

"Okey, I'll stay then."

Tinalikuran niya si Gail at siya naman ang naupo sa sofa. Hindi niya ang mga ito tinitignan. Naiirita lang siya sa nakikita.

"Enough..." Marahan na inilayo ni Colton ang kamay ni Gail na may hawak na kutsara.

Lumapit na siya sa dalawa bago pa magtalo ang mga ito. Nakita niya naman na sapat na ang kinain ng binata para makainom na ng gamot.

"Here," Kinuha ni Colton ang inabot niyang tableta, paglagay nito sa bibig ay maagap niyang inumang dito ang nguso ng baso para makainom.

Wala na siyang pakialam kahit gaano pa katalim ang mga titig sa kanya ni Gail. Basta gagawin niya ang trabaho niya.

Inalalayan niya si Colton ng akmang tatayo na ito.

"Ako na." Inagaw sa kanya ni Gail ang braso ng binata at sa balikat nito isinampay 'yon.

"Careful." She said as he step forward. Nakaalalay pa din siya, ngunit sa kabilang bahagi naman.

Colton is tall. Alam niyang hindi kakayanin ni Gail ang bigat nito dahil kahit siya ay nabibigatan sa pagsampay ng isang braso nito sa balikat niya.

"Why don't you use your wheelchair?" Suhestiyon ng babae, halatang hindi komportable na alalayan ang binata. Idagdag pa ang mataas na takong ng stiletto nito.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Where stories live. Discover now