4 ~ Deal

402K 14.1K 7.7K
                                    

Chapter Four

MALALIM NA ang gabi ngunit hindi si Karen datnan ng antok. Iniisip niya si Colton dahil maghapon itong nagkulog sa silid nito, papaakyatin lang siya kapag oras ng inom ng gamot. Hindi din siya masyado kinakausap. Nababahala tuloy siya, baka may ginawa siyang hindi maganda at baka maging sanhi iyon ng pagpapatalsik sa kanya sa trabaho.

Napapitlag siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang inabot niya mula sa gilid ng lamesa ng kama niya at tignan ang caller ay bigla siyang kinabahan.

Rachel is calling...

Hindi tatawag ang kapatid niya nang ganitong oras kung walang problema. Pero sana ay wala.

"Hello? Rachel? Bakit gising ka pa?" Kalmado lang ang boses niya ng saguting niya ang tawag.

"Ate! Si Raissa kasi..."

"A-ano ang nangyari? May nangyari ba?"

"Ate... Nandito kami sa Hospital nila Auntie, si Raissa kasi sobrang taas ng lagnat."

Napatayo siya at nagpalakad-lakad. Kinakain ng pag-aalala ang dibdib niya para sa bunsong kapatid.

"Hanggang ngayon ba ay mataas pa din? Ano ang sabi ng doctor? Ano ang dapat gawin? Bakit mataas ang lagnat? Ano ang result ng lab niya?"

Sa dami niyang tanong, hindi na makasingit ang kapatid niya. Ganito yata talaga.

"Ate, huwag ka ng mag-alala. Pinaalam lang namin sa iyo. Kasi di ba, sabi mo ipaalam lahat sa iyo ang nangyayari dito." Tumango-tango siya. Iyon talaga ang bilin niya sa mga kapatid niya. Nangingilid ang luha sa gilid ng mga mata niya dahil sa labis na pag-aalala. "Hindi na lang ako papasok bukas para mabantayan ko si Raissa."

"Si Raquel nasaan? Si Auntie?"

"May exam bukas si Raquel. Si Auntie naman ay papasok sa trabaho."

Malalim siyang bumuntong hininga. Siya dapat 'yung nagbabantay kay Raissa, siya dapat ang nando'n at hindi ang kapatid niya. Pero malabo iyon, kailangan niyang maghanap-buhay para mabuhay silang magkakapatid at matustusan niya ang pangangailangan ng mga ito.

"Magpapadala na lang ako ng pera para sa gastusin niyo sa Hospital. Tawagan mo ako kaagad kung ano ang magiging desisyon diyan. Okey?"

"Opo, ate."

"H-hayaan niyo kapag nakapaglakad na ang pasyente ko, uuwi ako diyan. Mag-li-leave ako sa trabaho para mabantayan ko kayo."

"Salamat ate ha." Ang kaninang pinipigil niyang luha ay tuluyan ng kumawala. "Magpahinga ka po. Kami na ang bahala dito. Love you, te."

Parang biglang natunaw ang puso niya sa narinig na halos magpa-iyak sa kanya ng husto.

Isang pasalamat lang sa kanya ng mga kapatid niya, isang sabi lang na mahal siya ng mga ito, pakiramdam niya napawi na lahat ng lungkot sa dibdib niya na pilit niyang itinatago. Tila gumagaan ang pasanin niya sa balikat sa tuwing naririnig niya na mahal siya ng mga kapatid niya at na-appreciate ang mga ginagawa niya para sa mga ito.

This what ate does di ba? To help her younger siblings and to be a father and mother to them. Kaya hindi siya dapat maging mahina dahil siya ang ilaw at haligi na sinasandalan ng mga kapatid niya.

KAHIT KULANG sa tulog si Karen dahil sa kaka-monitor niya magdamag sa kalagayan ni Raissa ay pinilit niya pa rin bumangon ng maaga para mapakain si Colton at mapainom ng gamot.

"Good morning." Masiglang bati niya kay Colton nang makapasok siya sa silid nito.

He was sitting on his wheelchair, looking fresh with his grey v-neck shirt and white jogging pants.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon