Simula

14.7K 209 1
                                    

Nagmamadali akong umalis sa bahay nang umaga ding iyon. Alas syete palang. Kung tutuusin ay maaga pa ako dahil alas nuebe pa naman ang simula ng interview ko, pero napagdesisyunan ko nalang na pumunta ng maaga. I can't risk being late.

Pagkalabas ko ng subdivision ay agad akong pumara ng taxi.

"Saan po tayo, Mam?" Magalang na bati sakin ni Manong pagkaupo ko sa backseat ng taxi nya.

"Sa RSC po, Kuya." Sagot ko naman sakanya. Nagsimula na syang magpatakbo ng sasakyan. Kinuha ko ang pressed powder ko sa bag at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Light make-up lang naman ang ginawa ko. Dapat kasi magmukha akong presentable ako. Nang makita kong okay naman na ang itsura ko ay ibinalik ko na ang salamin sa bag ko at natahimik nalang. Mabuti nalang at hindi masyadong mabigat ang daloy ng traffic ngayon.

Habang nasa daan ay ni-review ko ang mga sagot ko sa mga posibleng tanong sakin mamaya. Hindi naman ito ang unang beses ko sa interview pero kinakabahan pa din talaga ako. Pagkatapos ng halos labinlimang minutong byahe ay tumigil ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng building ng RSC. Nagbayad ako at nagpasalamat kay Manong bago ako bumaba.

Tiningnan ko ang higanteng building na nasa harap ko. Ang sabi sakin ni Leo, bago palang daw ang RSC sa business industry pero mabilis ang naging paglago nito. Limang taon na din simula nung umalis ako dito sa Pilipinas, kaya hindi ko ito inabutan. Three years ago palang kasi nang itinayo ito.

Napabuntong-hininga ako at sumilip sa wristwatch ko. 7:25 na pala. Dali-dali akong pumasok sa building. Dumiretso ako sa tapat ng elevator at naghintay sa pagbukas nito. Medyo madami din akong kasabay na sa tingin ko ay mga magpapa-interview din na katulad ko. Nang bumukas ang elevator at lumabas ang mga sakay nito ay agad naman kaming pumasok sa loob. Pinindot ko ang button papunta sa eighteen floor pagkatapos ay dumiretso ako sa pinakasulok.

"Grabe! Sana talaga matanggap ako sa interview mamaya!" Narinig kong saad ng isa sa mga kasabay ko sa loob ng elevator.

"Oo nga! Kahit pang-janitress eh papatusin ko. Sa laki ba naman ng sweldo dito." Segunda naman ng isa pang babae. "Tama! At saka, makita ko lang yung CEO ng kumpanya, solve na ako!" Sagot naman nung isa na parang kinikilig. Napailing nalang ako. Nang tumigil ang elevator sa floor na destinasyon ko ay agad akong lumabas. Iniikot ko ang paningin ko at dumiretso sa babaeng nasa Service Desk.

"Uh, Miss. Saan dito yung venue para sa interview?" Nakangiting tanong ko sakanya.

"Naku, mam! Hindi nyo po ba alam? Sa HR po dapat ang interview nyo kaya lang may inasikaso po yung magi-interview sa inyo. Dumiretso nalang po kayo sa 28th floor, sa offfice po ng CEO. Sya na po kasi ang magi-interview sa inyo." Magalang na sagot nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Yung CEO mismo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya sakin. "Ah. Sige, salamat. Ahm, punta na ako dun." Paalam ko sa kanya at saka naglakad pabalik sa elevator. Pagbukas nito ay mag-isa lang akong pumasok at pinindot ang button papuntang 28th floor.

Yung CEO daw ang mismong magi-interview. Damn. Hindi ko alam pero kumakalabog nang husto ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.

Pagkatunog nung elevator, hudyat na nasa 28th floor na ako pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpahalata na kinakabahan ako lalo na't ang may-ari mismo ang makakaharap ko. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at saka lumabas sa elevator. Nakita ko agad yung mahabang pila at tahimik akong naglakad papunta doon. Kinulbit ko yung babaeng nasa pinakahuli nung pila.

"Miss, dito ba yung para sa interview?" Tanong ko sakanya. "Oo. Magpapa-intrview ka din?" Nakangiting tanong nya sakin. "Oo eh." Sagot ko at saka pumila sa likod nya.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko sakanya. Lumingon sya sakin. "Ako si Lian. Ikaw?" Ngumiti ako sakanya. "Harley."

Habang naghihintay kami ay nagkwentuhan muna kami ni Lian. Isang taon lang pala ang tanda nya sakin. Kwento nya, kare-resign nya palang sa kumpanyang pinagtrababuhan nya ng apat na taon dahil sa baba ng sweldo. Nagtapos sya ng Business Administration sa U.P.

"Ikaw? Ano namang kwento mo?" Tanong nya sakin matapos nyang magkwento tungkol sa sarili nya.

"Uh. Actually, pangatlong interview ko palang ito simula noong bumalik ako dito sa Pinas three weeks ago."

"Bumalik? Bakit, saan ka ba galing?"

"Sa Canada. Doon na ako tumira pagkatapos kong maka-graduate ng college. Business Ad din ang course ko."

"Talaga? Eh pano yun? Nag-work ka din ba sa Canada?"

Tumango ako sa kanya. "Oo. Nag-work din ako. May business kasi ang family namin doon eh." Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "Eh? Mayaman ka naman pala. Bat naisipan mo pang mag-apply dito?" Nagkibit-balikat ako. "Gusto ko kasing mag-explore. Tatlong taon din akong nagtrabaho doon at nagsimula agad ako sa mataas na pwesto. Gusto ko sana eh maranasan munang magsimula sa pinakababa para mas maintindihan ko yung pasikut-sikot ng negosyo."

Tumango-tango sya sa sinabi ko nang bigla syang timawag nung secretary ng CEO.

"Miss, ikaw na ang sunod." Sabi nung secretary kay Lian. "Ah, sige po." Tumayo na si Lian at sumunod dun sa babae. Nang lumingon sya sakin ay ngumiti ako sa kanya at bumulong ng good luck. Ngumiti din sya at nagpasalamat.

Nang makapasok na sila sa loob ng office ay nakaramdam ulit ako ng kaba nung na-realize kong ako na pala ang sunod. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang hinihintay ang paglabas ni Lian.

Nung umangat ang pinto ay agad akong napatingin at nakita ang palapit na secretary. Ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw na ang sunod, Miss. Nasan ang resume mo?" Nakangiti ding tanong nya sakin. Binuksan ko ang bag ko at maiangat na kinuha mula doon ang envelope na naglalaman ng resume ko at iba pang mga requirements. Iniabot ko iyon sa kanya. "Babalik nalang ako para sunduin ka dito, okay? Sige, upo ka muna ulit." Sabi nya at saka tumalikod at bumalik sa loob ng office. Maya-maya pa ay lumabas na si Lian mula sa office at saka tumakbo papunta sakin. "Tanggap ako!" Masayang balita nya sakin. "Congrats!" Nakangiting bati ko sa kanya.

Lumabas mula sa office yung secretary. "Miss, pasok ka na." Nauna syang pumasok. Lumingon ako kay Lian. "Goodluck!" Sabi nya. Ngumiti ako at saka sumunod dun sa secretary.

"Dumiretso ka nalang sa loob, Miss. Doon na ako sa labas. Good luck ha?"

Ngumiti ako sa secretary na kausap ko at nagpasalamat. Pinanood ko syang lumabas, at saka ako muling bumaling sa harap ko. Huminga mimuna ako ng malalim at saka diretsong naglakad. Pagpasok ko sa loob ay agad akong napahanga sa linis at aliwalas ng kabuuan ng office. Simple lang ang interior design pero halatang manly at elegante. Napako ang paningin ko sa gitna kung saan nakita ko ang pigura ng isang lalaking nakatalikod na nakasandal habang nakaupo sa swivel chair. Must be the CEO. Huminga ako ng malalim at saka nagsalita.

"Good morning, Sir." Bati ko sa pormal na tinig. Nakita ko ang bahagyang paglayo ng likod nito sa sinasandalang upuan. Ipinilig nito ang ulo at iniangat ang kanang kamay na may hawak na ballpen. Nilaro nito ang hawak sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot ng ballpen sa kamay. Nang tatlong beses.

Napako ako sa kinatatayuan ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Isang tao lang ang kilala kong may ganung mannerism. Isang tao lang.

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon