Prologue

683K 16.8K 9K
                                    

Prologue

GAMIT ANG HIGHTECH TELESCOPE ay tinanaw ni Colton mula sa kinaroroonan nila ang isang vessel na magdadala sa mga rebeldeng tinutugis nila palabas ng bansa. Bukod do'n, may mga armas na kargada rin ang barko na tinatayang mga nakaw mula sa mga sundalong napaslang ng mga ito.

Ang giyera kontra rebelde sa Zamboanga ay umabot na sa halos isang buwan. Walang humpay na putukan at pagsabog ang araw-araw na dinaranas ng mga apektadong tao sa lugar.

Alas onse ng gabi ang nakatakdang alis ng mga sakay ng barko, ayon na din sa impormasyon na nalakap nila mula sa pinagkakatiwalaang tao na nakapasok sa kuta ng mga rebelde.

Ibinaba niya ang telescope na hawak at tinignan ang oras sa relong pangbisig. It's 21:02. Military time.

Ang hampas ng alon at ang paminsang-minsang pagsabog sa kalayuan ang siyang nagsisilbing ingay sa madilim na paligid.

"Colton," Tawag pansin sa kanya ng kapatid na si Carter.

Kahit liwanag ng buwan lang ang tanglaw nila ay nakukuha pa din nitong kalikutin ang mga armas na dala nila. Rifle, bombs and guns.

"Oh?" He murmured rudely.

"I am your big brother—"

"Hindi ko nakakalimutan 'yan—"

"Show some respect, fucker."

He smirked at his brother. Silang dalawa ang naatasan na magkabit ng bomba sa mga vessel ng rebelde. They are tandem even before they started they career in Philippine Military. They are personally pick by their commodore to do this mission to help the troops to end the war in Zamboanga.

"Kuya, you know how much I love planting bombs in vessels. Give this opportunity to me." Hinubad niya ang long sleeve, pants at sapatos niya bago isinuot ang kulay itim na over all rush guard. "Be my eye this time."

Inilatag ng kapatid ang tatlong bomba sa madahon-dahon na sahig. He squatted to check the bombs. Inisa-isa niya iyong tinignan. Lahat iyon ay selyado upang hindi mabasa ng tubig mamaya kapag sumuong na siya sa karagatan.

His job is very risky, but his heart is yearning for this. He swore to risk his life to serve for his Country. He wanted to be a real hero, not for everyone's eyes but for himself. He wanted to prove to his parents that the path he chose to walk is the right path and they should be proud of him.

"Can you swim 500 yards within 12 minutes and 30 seconds?" His brother asked doubtfully.

"That's only a piece of cake for me." He confidently answered while smirking on his brother who was looking at him with evident doubt on the face. "Trust me with this, parang hindi mo naman ako kapatid."

"Our parents our waiting for us. Bumalik ka dito ng humihinga pa."

"Kahit malalagutan na ako ng hangin, babalik ako. I promise." He lifted his right hand, swearing. "Basta dapat ay may babaeng makikipag mouth to mouth resuscitation sa akin dito pagdating ko."

"Umasa ka pa talaga na may babaeng mapapadpad dito?" Napailing-iling ito bago inihagis sa kanya ang isang bomba na kaagad niya namang nasalo. Tumingin ito sa relong pambisig. "Oorasan kita. It's 21:20 now. Umalis ka dito ng 21:30."

Ikinabit niya sa tenga niya ang listening device na water proof. Sa bewang niya naman ikinabit ang tatlong bomba na selyado na.

"I'll be here at exactly 22:00."

"No, you should be here at 21:57."

"What?" He frowned.

"Kung hindi mo kaya, ako na ang gagawa." Tumayo si Carter at akmang babaklasin sa kanya ang mga bomba na ikinabit pero umatras siya. No way!

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon