[4]Revelations and Graduation day Part 3

462 20 4
                                    


Dedicated to @Exotic_Army_Girl10

Thank you sa pag enroll

Nasa Multimedia si Thalia ------>


_______

Part 3






Skyla POV








Alam kong napamahal na sya sayo. . Pero ikinalulungkot kong sabihing kailangan nya ng bumalik sa mundong kinabibilangan nya. Masyado na syang matagal namamalagi rito at ang resulta ay hanggang ngayon ay wala pa syang alam ni isa sa mundong kinabibilangan nya at sa totoong pagkatao nya. .” Sagot ng babaeng may puting buhok sa tinuran ni mommy.









Sino ba talaga ang pinag-uusapan nila? at parang napaka-importanteng tao iyon sa kanila. . Tsaka anong mundong kinabibilangan nito? Bakit may ibang mundo pa ba bukod sa ‘earth’? At anong totoong pagkatao?









Naguguluhan na ko. .

Maraming tanong ang naglalakbay sa isipan ko. . Pero, wala akong lakas ng loob para magtanong.









Kinakabahan ako! Sobrang kinakabahan! Hindi ko alam kung bakit pero parang ako ang tinutukoy nila. Oh baka naman nag-iilusyon lang ako?








Hindi ko alam kung paano ko ieexplain ang kabang nararamdaman ko. . At parang may mali. Di ko lang matukoy kung ano ba talaga yun.








Sign.Hayaan nyo sanang ako na mismo ang magsabi ng buong katotohanan. . Alam kong magiging masakit para sa kanya 'to pag nalaman nya pero sana iingatan at aalagaan nyo sya kahit saang mundo pa kayo pumunta.” Sabi ulit ni mom.










Sinong iingatan at aalagaan?









Wag kang mag-alala. . Tutuparin ko ang iyong kagustuhan. Maiwan na muna namin kayo, halika na Prof Thalia.” Sagot nung may puting buhok kay mommy sabay baling nya sa kasama nyang babae. Prof Thalia pala yung pangalan ng babae noong 7 years ago.









Matagal ko nang gustong sabihin at ibigay sayoto pero, ngayon lang ako nagkalakas ng loob at sa tingin ko eto narin ang panahon. .” Ani ni mommy habang binubuksan yung bolt nya na never ko pangnakitang binuksan nya.









Her Journey and The Propecy (EDITING)Where stories live. Discover now