Chapter 63: Attack (Pt. II)

Start from the beginning
                                    

"Infernum Empire." Usal ni Tricia na ikinabigla nilang lahat sa kanilang nalaman.

"Kaya wag kayong makikialam kung ayaw niyong mapahamak ang mga pamilya niyo." Ani ko at mabilis kaming tumakbo papunta sa basement.

Pabilisan kami ng takbo ni Tricia may silbi talaga yung tindi ng pag eensayo na dinanas namin sa kamay ni Kiana. Nang makarating kami sa basement ay timing palang na isasakay nila si Kiana sa van. Kaya pinaputokan namin sila habang nag iingat na hindi tamaan si Kiana.

"Saan niyo siya dadalhin?" Tanong namin sa kanila. Pero tinawanan lamang nila kami.

"Sa kanyang huling himlayan." Sagot ng isa at tumawa ng malakas nang bigla siyang dumaing dahil natamaan siya ng bala.

"Sinong lintek na poncio pilato ang bumaril sa akin?!" Galit niyang tanong pero isang tawa lang ang nakakuha sa kanyang atensyon kaya lumingon kami sa likod at napabuntong hininga na lamang kami sa katigasan ng kanilang mga ulo.

"Masakit ba, panget?" Mapang-asar na tanong ni Matthew sa lalaki na binaril niya.

"Mga hangal! Atakihin niyo sila, bilis!" Asik ng lalaki na nabaril.

Nagsisilputan naman silang lahat sa aming mga harapan at inatake kami. Sinipa ako sa paa kaya natumba ako at binaril ang kaaway ko sa paa.

"Ngayon patas na tayo." Ani ko at ngumisi. Sinuntok ko naman yung isa ko pang kaaway sa vital part at sinipa sa tiyan.

"Ugh," Daing niya habang naka hawak sa tiyan niya. Kaya binutterfly kick ko siya at knockout. Pinaliparan ko naman siya ng isang shuriken na may lason na nakakamatay.

"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Galit na asik ng binaril ko sa paa at umambang susuntok pero mabuti nalang ay naagapan ko at pinihit patalikod ang kamay niya kaya namalipit siya.

"Aray aray." Daing niya at may kinapa ako sa kanyang liig at may pinindot kaya tumumba siya.

Tiningnan ko ang lahat at napansin kong naka amba ng isasakay na nila si Queen sa van kaya nagmadali akong tumakbo pero may humarang sa akin.

"Saan ka pupunta?" Mapang-asar na tanong sa aking ng lalaki nang bigla siyang tumumba at dumudugo ang noo. Kaya lumingon ako sa likod at nakita ko si Tricia na maayos. Pero umamba akong ng pagbaril ng may lumitaw na kalaban sa likod niya kaya binaril ko iyon at tumumba.

"Ako ng bahala dito." Aniya sa akin kaya tumango ako at hinarap na niya ang mga kalaban.

"Mag ingat ka." Ani ko at tumakbo pero huminto ako bigla at lumingon sa pwesto niya. "Dahil liligawan pa kita." Dugtong ko at nagpatuloy sa pag takbo.

Bawat madadaanan kong kalaban ay mabilis kong pinaparilisa ang katawan gamit ng mga karayom kong delikado. Bawat isa sa kanila ay tumutumba kaya mabilis akong nakalapit sa kanila at nagsimulang umatake. Binaril ko yung isang kasama nila sa noo at tumumba.

"Harangin niyo bilis!" Utos ng leader ata nila na binaril ni Matthew na nakasakay na sa van. Nagsilitawan naman ang mga kasamahan niya at sabay sabay na umatake kaya yumuko ako at pinagsisipa sila habang nasa ilalim ako kaya nagsitumbahan sila. Pero sa aking pagtayo ay may naka-amba pa lang suntok sa akin sa magkabila kaya napadura ako ng dugo.

'Fuck! Ang mukha ko!'

"Need a hand?" Tanong naman ni Matthew sa akin kaya tinitigan ko lang siya at sabay namin pinatumba ang mga kalaban. At nang tumba na ang lahat ay siyang pag-alis ng van kaya mabilis ko itong hinabol at pinagbabaril sa gulong pero walang chamba hanggang sa hindi na namin sila makita. Humawak ako sa aking earpiece.

"Nakatakas sila. Nakuha nila si Kiana." Pagbabalita ko sa kanila kaya nakatanggap ako ng samu't saring reaksyon.

"Fuck!" Mura ni Jacob.

The Mafia: The Real HeirsWhere stories live. Discover now