Chapter XVI: Twin's Date

3.9K 98 15
                                    

Kiana POV:

In-saktong pagpatak ng 9:30, tumunog ang doorbell hudyat na nasa labas na si Kiefer. Tumingin naman sakin ang dalawa at sumenyas na umalis na ako.

"Andyan na kambal mo." Sambit ni Tricia habang kumakain ng chips.

"Alam ko." Sabi ko kaya kinuha ko ang crossbody bag ko sa couch at sinukbit ito sa aking katawan.

"Enjoy!" Bilin ni Hailey habang nakatingin parin sa kanilang pinapanuod sa tv.

Binuksan ko ang pinto at isang gwapong lalaki na nakangiti ang sumalubong sakin.

"Ang ganda mo hime." Puri sakin ni Kiefer.

"Thanks, tara na?" Sabi ko kaya nagpout naman siya.

"Hindi ba ako gwapo sa porma ko ngayon?" Tila pagsusumao niya sakin kaya napairap nalang ako.

"Ang gwapo mo." Puri ko sa kanya. "Kaya tara na."

"Sus! Ano ka ba hime, nasa lahi na natin yan." Mahangin niyang pahayag, 'sigh' ayan ang dahilan kung bakit ayoko siyang puriin dahil lumalaki ang ulo at humahangin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa elevator at naramdaman ko naman siyang sumunod sakin. Siya na ang pumindot sa B (floor). Habang naghihintay kami na dumating kami sa basement floor ay biglang sumeryoso ang aura ni Kiefer.

"Kiana, mukhang gumagawa na sila ng hakbang." Seryoso niyang wika .

"I know, don't worry." Sambit ko.

"Hindi ba masyadong maaga naman para gumawa sila ng hakbang?" Taka niyang tanong.

"Oo kaya kailangan natin maging alerto palagi at kailangan natin maghanda." Paalala ko sa kanya.

"Alam ko, sya nga pala pwede kahit ngayong araw lang kalimutan natin ang lahat at kung pwede ngumiti ka? Date natin 'to kambal." Nakangiti niyang sabi.

"Okay," Sambit ko at ngumiti ng slight.

"Good, kaya let's go." Sabi niya sabay hila sakin palabas ng elevator.

Hindi ko napansin na nasa basement na pala kami. Pumunta kami sa kung saan pinark ni Kiefer ang kotse niya na pinadala niya ata kay Butler Jude kaya binalingan ko siya.

"Kanino mo pinadala ang kotse mo?" Tanong ko.

"Kay Butler Jude para may magamit tayo." Sagot niya.

"Eh ano ba ang silbi nung dalawang sasakyan?" Tanong ko sa kanya.

"Para gamitin natin pag may pasok." Pilyo niyang sagot kaya binatukan ko.

"Aray kambal! Ang bigat naman ng kamay tsaka ba't kaba nang babatok?" Reklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Jeez, sumakay nalang tayong dalawa." Suhestyon ko.

"Mabuti pa," Sagot niya at pinagbuksan ako ang pinto sa passenger's seat kaya sumakay na ako.

Sinirado niya ang pinto bago lumipat sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina at mabilis itong pina'andar.

"Saan tayo pupunta?" Biglang tanong ko dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng magaling kong kambal.

"Secret," Sagot niya habang may nakaguhit na pilyong ngiti sa mukha niya.

Hinayaan ko nalang at tumingin sa labas ng bintana. Namiss ko ang ganitong bonding namin ni Kiefer. We usually do this nung nasa Italy palang kami, kasi hindi ako palaging lumalabas ng bahay. Saka lang ako lumalabas pag may gagawin or what at minsan lang rin ako sumama kina Jacob pag nag-aaya sila na lumabas. 

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon