Chapter 56: ...

1.4K 29 4
                                    

3rd Person's POV

Lumingon sila sa banda ni Cassidy na may hawak ng baril. Sinapak at sinampal siya ni Tricia dahil sa galit.

"Walang hiya ka! Nang dahil sa kagustohan at kabaliwan mo kay Matthew nagawa mong patayin ang kaibigan ko! Pinatay mo ang kaibigan ko!" Galit na galit na sabi niya kay Cassidy at tumingin kay Matthew. "Pinatay niyong dalawa ang kaibigan ko!" Giit ni Tricia at humagolhol at mabilis na hinagkan ni Dominic na tahimik na umiiyak. Umiiyak rin si Jacob at Hailey. Habang si Kiefer ay nakaluhod sa dulo at umiiyak.

Ang grupo naman nila Matthew ay tahimik lamang. Walang nagsasalita at walang nagtatangka. Napakadelikado ng katahimikan na namayani sa kanila. Si Matthew naman ay napahawak sa kanyang pisngi ng makaramdam siya ng likido na tumutulo mula sa kanyang mga mata. Mga luha na sumisimbolo sa kanyang pagmamahal. Pagmamahal para kay Kiana.

Nagdaan ang ilang minuto ng katahimikan at para silang lantang gulay. Mga walang ekspresyon at walang gana.

"Dominic alalayan mo si Tricia pababa. Jacob at Narissa alalayan ninyo si Mrs. Laurent. Ako na ang bahala kay Kiefer. Kailangan na natin umuwi." Saad ni Hailey pero para silang walang narinig. Hanggang sa nakarinig sila ng isang pagputok ng baril kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Let's go home. Kia will never like to see us in this kind of state." Giit niya sa kanyang mga kaibigan. "Matthew sumakay nalang kayo sa helicopter na naka abang sa baba. Sa yate na kami sasakay. Yung mga gamit ninyo naman ay ipapahatid nalang namin sa bahay ninyo." Dugtong ni Hailey at lumapit kay Kiefer at inakay ito sa kanyang balikat. Balak sana itong tulungan ni Zach pero tiningnan siya ni Hailey kaya hindi tumuloy si Zach at nagsimula na silang umalis habang sila Matthew naman ay tinatanaw na lamang ang mga pigura nila Hailey na papalayo.

Hailey's POV

Naging mabilis ang aming pagbaba at naka abang na agad sa pangpang ang yate. Sinalubong kami ng kapitan at mga crew. Mabilis nila kaming tinulungan sa mga akay namin. Lumapit sa akin ang kapitan.

"Nasa loob na po ba ang mga estudyante?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, young lady." Sagot niya sa akin. "Ako na po ang bahala kay young master." Alok ng kapitan at mabilis ko naman itong binigay sa kanya. Dumiretso ako sa aking silid at napahiga sa kama ko.

Mabigat akong bumuntong hininga at tila isa-isang bumagsak ang aking mga luha. Hanggang sa naging hagulhol na. Napakasakit dahil nawalan ako ng kaibigan at mahigit sa lahat ay nawalan ako ng kapatid. Isang kapatid ang turing ko kay Kiana at ang bunso naming kapatid ay si Kiefer dahil napaka-iyakin. Napakasakit ng ginawa nila sa amin at pinapangako ko pagbabayarin ko sila.

Dahan-dahan bumibigat ang aking talukap hanggang sa nakatulog na ako.

3rd Person's POV

Nagdaan ang dalawang linggo at kahit isang anino nila Hailey ay hindi nahagilap ng lahat. Pati si Narissa at ang kanyang pamilya ay nawala rin na parang bula. Habang ang grupo naman nila Matthew ay tahimik lang na naka-upo sa kanilang mga silya habang si Maurice ay malalim ang iniisip. Hindi siya naniniwala na si Kia ang gumawa sa kanya ng ganoon. At kung totoo man ay hindi niya magawang magalit kasi nakita niya kung paano handang isangga ni Kia ang kanyang katawan sa mga bala para lang mailigtas siya. Napabuntong hininga na lamang siya.

Hindi nagkalaunan ay pumasok ang kanilang guro na si Ma'am Lewis at tila hinahanap ang ilan sa kanyang mga estudyante na wala.

"Wala pa rin ba sila Ms. Chen?" Tanong ng kanilang guro at napabuntong hininga na lamang. "Matthew, you're the President of the council do something about this matter." Mando ni Ma'am Lewis na ikinakunot ng noo ni Matthew.

"Why would I waste my time to those people, Ma'am? If they do—" Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto.

"Speaking of the devils." Giit ni Cassidy. Pumasok sila Hailey sa kanilang silid-aralan at sa kasunod nila si Mrs. Laurent kaya tumayo ang lahat.

"Good morning Mrs. Laurent." Bati ng lahat sa kanya na ginawaran niya ng ngiti.

"Good morning. You may take your seats." Giit niya na sinunod naman ng lahat. Bumaling siya sa guro. "Ms. Lewis, please forgive these students for being absent for two weeks." Giit niya sa guro na ikinatango naman ng guro. "By the way, I need to talk to you in private." Giit niya at lumabas.

"Ms. Chen and the rest of the group, you may take your seats now." Giit niya. "Class I expect you to behave and stay quiet." Mando niya at lumabas.

Matthew's POV

They look so dull. There are no life in their eyes. Their smiles and laughters are gone. They lost her, and that's the main reason why they didn't show up for 2 weeks. They mourned her death which we are responsible for it. It's quite shocking that they didn't file a case against us maybe they knew that we can do something about it. We can also do a counter attack.

I looked at them one by one until my eyesight land on our friend, Narissa. After everything that happened she became distant from us. There are hatred and sadness in her eyes. Her eyes are puffy as hell maybe she cried so much.

I looked away and watch how my sister keep on sighing. She doesn't believe us that Kia is Uno. And I can't do something about it until I can prove it right in front of her. I moved my eyesight and looked at the window. I watched how the trees swayed along with the wind. I noticed that the sky is a little bit dark maybe it will rain later. I kept on watching until I saw something on the tree. A black figure, it is quite petite for a man so my guess it's a woman. But who could it be?

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon