Chapter 63: Attack (Pt. II)

1.7K 48 8
                                    

Kiefer's POV

Nakita namin kung papaano bumalagta si Kiana. Balak sana namin lumapit ng biglang nagsilapitan lahat ng mga kasama ni Claudette at kinalaban kami. Kaya wala kaming nagawa kundi ay lumaban.

I faced three armed men and all of them aimed to punch me at the same time mabuti nalang ay mabilis ang reflexes ko at nagawa kong iwasan ang suntok nila. Kaya ang nangyari nasuntok nila ang bawat isa. Binigyan ko naman ng tag-iisang upper cut at jab silang tatlo. Sinipa ko naman sa ari ang nasa gitna kaya ay iniinda niya ang sakit. Niround house kick ko naman ang nasa kanan ko habang pinaulanan ko ng suntok ang nasa kaliwa kaya tulog. Hindi pa ako nakontento kaya binaril ko sa ulo ng tatlong beses.

Kaya hindi ko napansin ang naka ambang suntok para sa akin mula sa kaliwa. Kaya ginantihan ko siya ng mga suntok sa mga vital parts niya at binaril ng ilang beses. Napahawak naman ako bigla sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa pagpukpok sa akin ng kalaban ng baril.

"Walang hiya ka." Usal ko at sinapak diretso sa mukha yung nagpukpok sa aking ng baril. Tinadyakan ko naman sa may tiyan. Pagkatapos ay binutterfly kick ko kaya tumumba at binaril ko sa noo para tapos na.

Pero hindi pa ako nakakalingon sa kaliwa ay may naka amba nang suntok na tumama sa mukha ko kaya nalasahan ko na ang dugo sa aking bibig. Wala akong pagpipilian kundi ay harapin sila. Sinuyod ko muna ng tingin ang buong lugar bago nagseryoso at nakipagbakbakan.

"Emperor, they got her. And they're heading to the basement kung saan nakapark yung kotse nila." Pagbibigay alam ni Hailey sa akin dahil siya ang aming mata sa lahat ng nangyayari dito.

"Dark Princess and Dark Prince, head now to the basement. Nasa kamay nila si Queen. Buy us some time and we will help you." Utos ko  sa kanila.

"Yes, Emperor/As you wish, Emperor." Sabay nilang sagot kaya nagfocus na ako sa mga kalaban ko para matapos na ito.

Dominic's POV (Before sila inutosan ni Kiefer)

"Ano ba talaga ang nangyayari Patricia at Dominic?" Tanong sa amin ni Zach.

"It's none of your business." Ani ko. "At kung pwede ba umalis na kayo. Umuwi na kayo gaya ng ginawa ng mga magulang niyo at lahat ng bisita na kalmado at walang inaalala." Pagpapatuloy ni Tricia sa sinabi ko na mas lalong ikinakunot ng kanilang mga noo.

"Sa anong paraan kami uuwi na kalmado at hindi mag-aalala? Bakit normal ba itong nangyayari? Bakit walang mga pulis? Bakit hindi nag-aalala ang lahat?" Sunod-sunod na tanong ni Ken. "Si Narissa ba't andoon?" Dugtong na tanong ni Ken.

"Ano ba Ken! Isa-isa lang mahina ang kalaban. Lahat ng tao dito ay hindi mga commoner. Lahat sila ay alam na mangyayari ito at walang koneksyon ang mga pulisya dito. Para naman sa mga customer sa hotel na ito ay hindi nila alam ang nangyayari dahil sound proof ang function hall at lahat ng mangyayari doon ay mananatili lamang doon." Sagot sa kanya ni Tricia.

"Kaya gumaya na lamang kayo sa inyong mga magulang at umuwi ng matiwasay para matulungan na namin sila sa loob. At kaya rin andoon si Narissa ay dahil parte siya doon. Laban ito sa pagitan ng pamilyang Hamilton at De Luca. Kaya umuwi na kayo." Sabi ko sa kanila at tiningnan sila ng blangko.

Nang biglang nagsalita si Hailey sa aming earpiece.

"Emperor, they got her. And they're heading to the basement kung saan nakapark yung kotse nila." Pagbibigay alam ni Hailey kay Kiefer.

"Dark Princess and Dark Prince, head now to the basement. Nasa kamay nila si Queen. Buy us some time and we will help you." Utos niya sa amin ni Tricia.

"Yes, Emperor/As you wish, Emperor." Sabay naming sagot kaya tumingin kami sa kanila.

"Emperor? Sino si Emperor at sino ba talaga kayo?" Tanong sa amin ni Matthew.

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon