Chapter 60: Party

1.3K 42 1
                                    

3rd Person's POV

Isa hanggang dalawang linggo ang lumipas at abala ang lahat ng mga mayayamang tao na kasali sa society o may koneksyon sa empire ng mga De Luca. Naghahanda para sa engrandeng selebrasyon para sa pagpapakilala sa bagong magmamana ng De Luca's Group of Companies na magaganap sa pinaka engrande, prestihiyoso, at pinaka kilalang hotel sa buong Europa, Asya at saang continental man ng mundo dahil sa de kalilad nitong serbisyo sa mga mamamayan.

At sa wakas ay dumating na rin ang pinakahinihintay na gabi ng selebrasyon ng lahat. Kung saan personal nilang makikilatis at makikilala ang bagong tagapagmana ng pinakasikat na kompanya. Nagsidatingan ang mga bigateng negosyante kasama ang kanilang mga kinakasama o pamilya. Pawang nagyayabangan sa mga kasuotan, aksesorya at kagamitan. Lahat ay nakasuot ng mga magagarbong tuxedo at mga gown na gawa ng mga kilalang mananahi. Suot-suot ang mga magagarbo at kumikislap na mga alahas na naghahalaga ng mahigit pa sa isang milyon.

Lahat ay pinapasok sa isang napakalaking function hall kung saan mahigit kumulang ilang libong tao ang kayang papasokin. Nagsi-upuan sa kanilang mga nakatakdang pwesto. Pawang naghihintay na pumatak ng alas otso ng gabi. Sinusulyapan bawat desinyo at detalyi na makikita sa loob ng function hall. Puno ng mga mamahaling palamuti at mga kagamitan. Mapapansin ang desinyo sa loob ay hango sa Italy.

Habang sa kabilang dakong harap naman ng function hall ay naroroon ang pamilyang Hamilton kung saan ay napansin nila ang ilang mga bigateng tao sa mundo ng negosyo at ng society.

"Dad," pagtawag ni Klein sa kanilang ama na si Trevor Hamilton. "The Takahashi family, Lim family, Gomez family, and the Thompson family are here." Dugtong niya.

"Are they some how connected with the De Luca's? Because they sitting in the table in front." Tanong naman ni Kevin.

"I think so, son. But let's just focus and keep your eyes on them." Giit ng kanilang ama.

"Ano ba iyang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Claudette kay Trevor.

"Nothing," sagot ni Trevor kaya umirap si Claudette at tumahimik nalang.

Habang sa isang silid naman ng hotel ay naruruon ang mga bagong tagapagmana. Lahat ng babae ay inaayosan at hinahanda para sa isang napakalaking selebrasyon dahil hindi lamang ang mga tagapagmana ng De Luca ang ipakikilala bagama't kasali rin ang tagapagmana ng pamilyang Lim, Takahashi, Gomez, at Thompson.

"Ayan, perfect na kayong tatlo! Napakaganda niyo talaga mga madame." Puri ng baklang isa sa umayos sa kanila.

"Tompak ka jan sisteret. Wititiw ang ibang mga babae sa party dahil talbog na talbog kayong tatlo." Singit naman ng isa.

"Tompak ganern." Ani ng isa kaya nagsitawanan silang lahat.

"Thank you very much for your kind words." Pasasalamat ni Patricia sa tatlong bakla.

"Sige mga madame, iwan po muna namin kayo para kayo ay makapagbihis." Aniya ng bakla.

"Babalik nalang po kami para iretouch kayo." Sabi naman ng kanyang kasama at tuluyan na silang lumabas ng silid.

Kaya pumanhik na sila isa-isa sa banyo para makapagbihis. Unang pumasok si Patricia bitbit ang kanyang royal blue gown na gawa pa ng isang tanyag at magaling na mananahi. Ito ay isang one shoulder body con gown with a slit sa kanyang kaliwang binti. Ang sumunod naman ay si Hailey na kung saan ay dala niya ang kanyang emerald green na gown na gawa rin ng isang tanyag na mananahi. Ito ay isang halter body con gown with a matching backless at puno ng swarovski stones sa harap. At ang huli ay si Kiana na dala ang kanyang kumikinang na lava gown. Ito ay isang body con dress na may slit sa kanang paa at may plunging neckline sa harap na gawa ng pinaka tanyag at pinakamagaling na mananahi sa mundo.

"We look so gorgeous with our gowns." Ani ni Patricia.

"Yeah, but we still need keep our guns hidden." Ani ni Kiana.

May kumatok sa pintuan at binuksan nila ito. Pumasok ang mga bakla at niretouch silang tatlo. Nang matapos na ay sinundo sila ng kanilang mga escort para ngayong gabi. Kapares ni Patricia si Dominic. Kapares naman ni Hailey ay si Jacob at ang kapares ni Kiana ay si Kiefer.

Pumunta na sila sa lugar kung saan magaganap ang selebrasyon at huminto sa may bukana kung saan naririnig nila ang sinasabi ng emcee.

"Please stand up, as we welcome the newest heirs of this generation!"

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon