Chapter 38: Explosion

2.2K 57 6
                                    

3rd Person's POV

Nagdaan ang ilang linggo at bumalik na rin sa sa dati ang takbo ng kanilang mga buhay. Tumigil na rin ang pananakot at pagpatay ng mga walang muwang na mga estudyante. Nakahinga na ulit ang mga estudyante at inakalang tatahimik na ang kanilang mga buhay. Lahat ay nasa kanilang mga silid at tinitiis makinig sa mga sinasabi ng kanilang mga guro.

Pero lahat ay nayanig sa biglaang pagsabog sa isang parte ng unibersidad. Ang kanilang, science laboratory kung saan nakatago ang iba't ibang klaseng kemikal. Mga kemikal na gawa ng mga estudyanteng may angking talino sa paggawa at mga kemikal na gawa rin ng mga tanyag na scientist.

Lahat ay hindi mapakali maliban sa labing-dalawa na nanatiling kalmado kahit may aberya. Seryosong tumayo si Matt na puno ng awtoridad.

"Listen!" Ma-awtoridad na utos ni Matthew kaya nagsilingon ang lahat. "All of you, evacuate to the safe house. Tell everyone to gather there and wait for further instructions. Once you get in, don't ever go out." Aniya na sinang-ayonan ng lahat.

"Now go," Nagsi-alisan naman ang lahat at nanatili ang labing-dalawa.

Nagtipunon-tipon naman sila at lahat ay naging seryoso. Samantala si Kiana naman ay may agam-agam na kung sino ang may pakana.

"This is so unexpected." Ani Cassidy.

"We don't have time for that Cassidy. What we have to do is to look for some evidence and information about this sudden explosion." Komento ni Zach.

"Why don't we split up?" Suhestyon ni Tricia na sinang-ayonan naman nila.

"Let's do that, Kia, Zach, Tricia, Jacob, Maurice, and Ken will be assigned to the incident while the rest will handle the students and other things need to do." Gatol ni Narissa.

"Will you agree on that King, Queen?" Kwestyon ni Maurice kaya napaisip ang dalawa.

"Let's go," Biglang aya ni Kiana kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga makakasama niya.

Nauna siyang lumabas na siyang sinundan rin ng kanyang mga kasama. Habang ang mga natira naman ay gumayak na rin sa kanilang patutungohan.

Sa isang banda naman ay may nakatanaw sa malayo at bakas sa mukha nila ang kasiyahan sa nangyayari.

"It looks like nagsisimula ka na Uno." Puna ng isang boses.

"Not yet Cinco, I'm just toying with them." Masayang tugon niya.

Mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw nila lahat na nagaganap sa RIU.

"So what are you planning next?" Kwestyon naman ng isang baritone na boses.

"Yeah, what are you going to do next?" Gatol ng isang matinis na boses.

"Just wait and see," Puno ng kumpyansang sagot ni Uno.

Sumakay siya sa kanyang kotse at pinahururot ito paalis. Sumakay na rin ang kanyang mga kasama at sumunod sa naunang umalis.

Sa loob naman sa unibersidad ay seryosong nag-iinspeksyon ang anim. Lahat sila ay naka protective suit para maiwasan ang kung ano mang kumplikasyon na pwedeng mangyari. Sabog ang kanilang science laboratory at sumisingaw ang samu't saring amoy ng mga kemikal na nasali sa pagsabog. Nagkalat ang mga bobog sa sahig at at halos hindi na makilala ang laboratoryo.

Maingat silang gumagalaw dahil baka may maapakan o di kaya masanggi silang ikakapahamak nila. Bawat sulok ay kanilang inispeksyon at wala silang nahanap na kung ano mang lead na makakapagturo sa dahilan kung paano nagkaroon ng pagsabog. Hindi nagustohan ni Kiana ang nangyayari.

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon