Chapter 58: Gone

1.5K 41 6
                                    

3rd Person's POV

Isang linggo..dalawang linggo.. tatlong linggo..hanggang sa lumipas ang isang buwan. Ni anino hindi na mahagilap ng lahat ang kabilang grupo, ang grupo nila Hailey. Hindi alam ng lahat kung saang lupalop sila napunta. Parang mga bula na biglang nawala.

Tila namatay lahat ng tao sa unibersidad. Nakakapanibago ang katahimikan ng lahat. Walang kababalaghan na nangyayari sa loob. Nawala na ang sigla ng lahat.

Tahimik na binabagtas ng magkakaibigan na sina Matthew ang pasilyo ng kanilang paaralan. Kung saan mas lalo silang kinakatakutan at sila na ang sinunod ng lahat dahil sila ang batas. Wala kang maaaninag na emosyon sa kanilang mga mata at kahit sa kanilang mga mukha. Para silang mga patay na tao na naglalakad.

Madaming nagbago sa lahat ng aspekto. Nawala ang ganda ng paaralan, nawala ang magkakaibigan na sina Hailey, at ngayon ay mag-isa nalang ang dating bise-presidente na si Narissa. Nagrereyna-reynahan rin ang nag-iisang Sophia Hamilton. She liked the chills that she gives to everyone she bullies and she loved the fear she always see in their eyes.

Tila naging isang normal na pag-pasok sa skwela para sa lahat. Walang gulo, walang maingay. Lahat rin ay abala dahil nalalapit na ang kanilang finals.

Habang sa pamamahay naman ng mga Hamilton. Tahimik na nakahiga sa kanyang kama ang unang anak ni Trevor Hamilton na si Klein Xavier Hamilton. Nang biglang tumunog ang kanyang telepono hudyat na may tumatawag sa kanya. Tiningnan niya muna ang caller id at nakita niya na ang kaibigan niya palang si Ralph Roberts, sinagot niya ito at nilagay sa tenga ang telepono.

"What?" Tanong niya sa kausap. Napatawa naman ang nasa kabilang linya sa asta ng kaibigan bago nagsalita.

"Oh boy! You should never treat me like that because 'The Great Emil Pelaez' found a lead about your twin siblings." Anunsyo niya kay Klein kaya napa upo si Klein mula sa pagkakahiga.

"Meet me at the same place. Be there in 30 minutes." Giit ni Klein sa kaibigan at pinatay ang tawag. Nagmadali naman siyang gumalaw upang maghanda at magbihis.

Mabuti nalang ay nakakain na siya at nakaligo na rin. Dapat nasa opisina na siya pero mas pinili niyang humilata muna at mabuti nalang tumawag ang kanyang kaibigan. Mabilis silang bumaba ng bahay at lumabas. Pinatunov niya ang kanyang pintuan at binuksan ito. Mabilis siyang pumasok at binuhay agad ang makina ng kotse. Pina andar niya ito ng mabilis at mabuti nalang na buksan agad ng guard ang gate bago pa sumalpok si Klein sa gate.

Mabilis ang pagpapatakbo niya at nang nasa tapat na siya ng cafe ay pinark niya ang kotse at bumaba. Pumasok siya sa loob at namataan niya ang kanyang kapatid na si Kevin na naroroon. Mabilis naman siyang nakita ng kapatid at siya tinawag. Mabilis niya naman itong dinaluhan at puno ng pagtataka ang kanyang nakikita sa kapatid.

"Kuya, what are you doing here?" Bakas kay Kevin na siya ay nagtataka.

"I'm meeting with someone." Sagot ni Klein na nakapagpataas sa isang kilay ni Kevin.

"A friend huh?" Giit ni Kevin na tinanguan lang ni Klein.

"How about you what are you doing here?" Balik tanong ni Klein sa kapatid.

"I'm having my coffee, can't you see?" Sagot ni Kevin kay Klein kaya tumango nalang si Klein. "Why don't you have a seat, Kuya." Pa-anyaya ni Kevin. Akmang uupo na sana si Klein ng may tumawag sa kanya.

"Klein!" Sigaw ng kanyang kaibigan kaya mabilis na napatingin ang magkapatid sa paparating na dalawang lalaki.

"Ralph? What are you doing here? And I guess the person right next to you is an investigator from your firm." Saad ni Kevin na ikinabuntong hininga ni Klein. "What is this, Kuya? What is the meaning of this?" Sunod-sunod na tanong ni Kevin.

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon