EDITORYAL - NCAE ay Pairalin, Kinabukasan ay Paunlarin

516 2 0
                                    


Ang NCAE o National Career Assessment Examination ay isinagawa sa mga paaralang sekondarya sa buong bansa. Walang babagsak sa NCAE na umano'y pahayag ng Dep-Ed officials. Tunguhin nito na magabayan ang mga estudyante sa kanilang pipiliing kurso. Dito matutulungan ang mga estudyante na makapagdesisyon sa kanilang kukunin batay sa isinagawang pagsusulit.

Maganda ang hangarin ng Department of Education (Dep-Ed) sa pagbibigay ng NCAE. Makatutulong ito nang malaki sa mga estudyante pero mas maganda sana kung ibibigay ito nang mas maaga. Ang mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang ang siyang pagagawin nito para sa ganoon ay lubusan silang tayahin sa kanilang pipiliing career. Uumpisahan silang bigyan ng NCAE upang tiyak na magkaroon nang magandang resulta ang lahat. Kapag nakita kung saang larangan mahusay ang isang estudyante dito siya hahasain ng todo.

Mahalaga ang NCAE dahil ito ay tumutukoy kung ano ang maaari mong kunin o mapasa na kurso. Layunin nitong gabayan ang mga mag-aaral na malaman ang kursong naaangkop sa kanilang talino at kakayahan. Sa ganitong paraan, maiibsan natin ang suliranin na kinakaharap ng ating bansa hinggil sa di pagkakatugma ng gradweyt at ng trabahong nangangailangan ng taong gaganap sa hinihinging serbisyo. Ang resulta ng eksaminasyon ang magsisilbing pamantayan ng mag-aaral hinggil sa kursong maaari niyang pagtagumpayan.

Ayon sa Department of Education (Dep-Ed), sa pamamagitan ng NCAE ay matutulungan ang mga  estudyante na makita ang tamang landas patungo sa inaasam na tagumpay.

           Nararapat lamang na isagawa ito sa mga paaralang sekondarya sa buong bansa. Ano man ang magiging resulta, ang mahalaga malaman ang kursong nais nating pagtagumpayan. "Ang edukasyon ang susi sa ating tagumpay"-ika nga at ang pag-aaral naman ay isang tunay na kaibigan kaya't atin itong pagsikapan dahil ito ang maghahatid sa atin ng magandang kinabukasan.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang