EDITORYAL - EDUKASYON: Susi sa Magandang Kinabukasan

9.9K 29 1
                                    

"Kabataan ang pag-asa ng bayan" ika- nga ni Gat Jose Rizal, higit na uunlad ang bansa kung sila ay nagkakaisa at nagtutulungan. Maging lahat ng tao sa mundo ay nagiging masipag at nagkakaunawaan tiyak walang problemang magaganap. Kung kaya't tao rin ang gumagawa ng problema at tayo rin ang gagawa ng solusyon. Ngayon, nasaan na ang mga kabataan? May magandang kinabukasan pa ba silang makakamtan?Kung ang kanilang pag-aaral ay tuluyan ng napapabayaan?

Ang kinabukasan ng kabataan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Ang edukasyon ay susi sa kanilang tagumpay. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Marapat lamang gawin ng isang kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang tao. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina at masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay.

Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng tao at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang kabataan ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung gagamitin niya ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba't ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now