EDITORYAL - Pag-aaral at Palakasan: Timbangan ng Tunay na Kampeon

1.1K 4 0
                                    

Balanseng Buhay!

Tila bumigat ang timbangan ng palakasan sa buhay ng mga kabataan ngayon kung saan nahuhumaling silang makilahok sa isports kumpara sa paglagak ng kanilang interes sa pag-aaral.

Gasgas mang pakinggan, tunay ngang nakabibingi na sa tainga ng mga kabataan na ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ngunit, hindi sa lahat ng oras ay maipagmamayabang natin ang ating mga kagalingan at mga kakayahan dahil kahit na gaano tayo kahanda sa pagsuong ng isang kalaban, ang tanging mangingibabaw ay hindi ang nakuhang puntos sa loob ng ring kundi ang pinagwagiang laban sa laro ng totoong buhay.

Nararapat lang na ikintal sa ating isipan na ang tanging alas sa pakikisugal sa mundong ito ay ang ating pag-aaral. Ugaliing timbangin ang oras sa pag-aaral at paghahanda sa pagsabak sa anumang isports.

Ang tunay na kampeon ay wagi sa loob ng klasrum at maging sa oval field.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon