Editor's Note

863 22 1
                                    

Bagong Teknolohiya sa Makabagong Panahon, gamitin ng wasto at naaayon

Sa makabago nating panahon ngayon, malaki ang ambag at makabuluhan ang kontribusyon ng kompyuter at internet upang mapabilis ang komunikasyon at mapadali ang pagkalap ng mahahalagang impormasyon.

Dahil sa makabuluhang gamit ng internet, at dahil na rin sa makabagong teknolohiya, dumarami ang mga Pilipinong gumagamit nito. Ngunit, kung iisiping mabuti ginagamit ba natin ng maayos ang teknolohiya?

Tila nakalulungkot isipin na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay naabuso ang paggamit ng kompyuter o anumang gadget pati na rin ang internet na kung saan ang mga kabataan ang siyang may kagagawan nito. Halimbawa na lamang ang panunuod ng movies habang nagkaklase, pagpopost sa facebook, paglalaro ng mga apps gaya ng DOTA o Mobile Legends at ang iba naman ay kumukuha ng litrato, iyan lamang ang kanilang mga gawain.

Sabihin na nating, normal lamang ang mga ito, ngunit ito ay pinagmumulan ng mga problema. Ang pagpopost ng mga di marespetong status sa social media na nagiging dahilan sa pag-aawayan ng mga tao, panonood ng rated SPG isa sa mga dahilan upang mamulat sila sa mga malalaswang bagay, at ang mga stolen shots sa kapwa mag-aaaral para mayroong mapagtawanan.

Sa aking pagmamasid sa ating kapaligiran, maraming mag-aaral ang hindi nakakaalam ng mga limitasyon sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Masasabi kong wala namang kamalian sa paggamit ng teknolohiya- gadgets at social media. Basta't ang lagi nating pakatandaan na huwag tayong magiging mapusok sa teknolohiya, bagkus gamitin natin ito sa tama at higit sa lahat, mayroon tayong limitasyon sa mga ginagawa nating aksyon.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now