EDITORYAL - Muling Pagbangon

455 5 0
                                    

          Maluwalhating buhay ng Marawi ang sinira ng bandidong grupo ang ---Maute Group. Ito ang nagdulot ng makabagbag-damdaming kalagayan ng mga mamamayan. Gayunpaman, pilit ng bumabangon ang bawat pamilya mula sa pagkakadapa na dulot ng Marawi Crisis.

          "Halos 14,000 pamilya hanggang 17,000 na mga residente ang apektado sa giyera," ibinalita ng ABS-CBN. Ayon din sa GMA News Report, malaking problema ng mga bakwit kung paano maibabalik ang nawala nilang kabuhayan. Kung gayon, mukhang di-madali ang pagbangon ng mga mamamayan lalo na't karamihan sa kanila ay wala ng mauuwiang tahanan.

          Ayon sa Provincial Disasters Risk Reduction Management Council o PDRRMC, 40-50% ng mamamayan ng Marawi ang nasa Evacuation Center. "Sana may tent dito na mapuntahan para hindi kami mahawaan ng mga sakit dito," ani ni Saliha Ginai. Ito ang hapdi na dinaranas ng karamihang bakwit na nagsusumamo ng karagdagang tulong sa gobyerno.

          Sa kabila ng naturang sitwasyon, ipinahayag ni G. Marina Enderez na dapat isipin ang pagkakaisa ng pamilya at lokal na pamahalaan na kaya pa rin nilang umahon. Iginiit din niya na ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ay susi upang maibsan ang matinding kalungkutan at trauma na nararanasan. Dahil doon, mapapansin na maraming mamamayang Pilipino ang pilit na bumabangon at nagsisimulang muli.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon