EDITORYAL - Karahasa'y Tuldukan

722 5 0
                                    

           Ang paaralan ang itinuturing pangalawang tahanan na mga mag-aaral, katulad ng kaligtasan at kapanatagan na mayroon sa tahanan ay inaasahan din na makakamtan ito sa paaralan.

          Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman ang mga balitang may mga kaguluhan na nagaganap sa paaralan, kaguluhan na maaaring nakakarating sa kaalaman ng mga guro, nabibigyang-pansin at naisasaayos, ngunit maaaring mas marami rito lingid sa kaalaman ng mga namamahala sa paaralan dahil pilit na tinatago at tinatakpan. Masalimuot, ano?

          Ano nga ba ang damdamin mo sa yugtong ito ng hayskul? Masaya ka ba dahil maganda ang iyong pakikipag-ugnayan sa lahat ng tao na nasa iyong paligid? Masaya ka ba dahil marami kang natutunan at mas nais mong manatili sa paaralan? O malungkot ka dahil mayroon kang mga karanasan na kung maaari lamang na iyo nang kalimutan.

          Sa buhay ng tao, hindi mawawala ang mga taong gustong gawing miserable ang buhay mo?

          Nagkaroon ng isang survey ang mga guro at nagtanong-tanong sila sa mga estudyante na nakararanas ng pambuhulas.

          Sa una nilang pagtatanong, isang estudyante ang kanilang naimbestigahan, siya ay si Ana. Siya ay nasa ika-sampung baitang ng mag-aaral at may sakit sa mata. Ayon sa pagimbestiga, palagi siyang tinutukso at nilalait ng kaniyang mga kaklase. Ayon din kay Ana, palagi siyang binubulas dahil sa kaniyang kaibahang pisikal. Nalulungkot sa siya dahil sa pinanggagawa ng kaniyang mga kaklase. Iniiwasan na lamang niya ang mga ito upang walang gulo ang mangyayari.

          May nainterbyu rin silang isang lalaki. Siya si Sam, nasa ika-sampung baitang na mag-aaral. Lagi siyang nilalait ng kaniyang mga kamag-aral dahil daw siya ay isang bakla. Nalulungkot man siya ngunit, masaya pa rin siya dahil nalaman at napatunayan niya ang totoong siya. Sa kabila ng panlalait sa kaniya, binalewala na lamang niya ito at iniwasan upang hindi na magkaroon ng kaguluhan.

          Ang pambubulas o bullying sa ingles ay isang paraan ng pananakit sa pisikal o emosyonal na parte ng isang indibidwal o grupo ng mga tao. Kadalasan, sa paaralan nangyayari ang pambubulas.

          Maraming epekto ang maaaring idulot nito sa isang tao. Kadalasang binubulas ay may ibang pisikal na kaanyuan, tahimik o di kaya naman mahirap ang estado sa buhay. Dahil dito maraming pwedeng ipintas ang mga tao sa paligid sa kaniya. Minsan ay tinatawag sa iba't ibang pangalan o kaya naman ay sasaktan ng pisikal.

          Importanteng maturuan ng tamang kilos ang isang tao ng sa gayon ay wala siyang masaktan at hindi siya mapahamak.

          Mahalagang maunawaan na ang karahasan ay karaniwang may pinag-uugatang kilos o ugali na tulad sa sakit na hindi nalapatan agad ng lunas, ay patuloy na lumulubha.

          Ang mga programa sa antas na pampaaralan ay naka-disenyo upang baguhin ang kalagayan sa paaralan na kaugnay ng karahasan. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase, cooperative learning, wasto at sapat na pamumuhay ng mga guro sa mga mag-aaral.

          Karamihan ng mga programa sa paaralan upang mabawasan at matuldukan ang karahasan ay nakatuon sa pagsugpo sa pambubulas sa loob ng paaralan. Gayunpaman, napatunayan pa rin na higit na mabisa ang mga programa na kaugnay ng pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya at mga programang nakapagpapataas ng kasanayang sosyal at akademiko ng mga kabataang nanganganib bumagsak o umalis sa paaralan. Samakatuwid, ang mga estratehiya sa antas ng pantahanan at indibidwal ay mas dapat bigyan ng tuon.

          Kailangan nating turuan ng tama at pangalagaan ang mga bata at kabataan dahil sila ay maaaring mag-aangkat ng ating bayan.

         
A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now