Lihim 3: Chapter 17- End???

ابدأ من البداية
                                    

Takot na takot na ako sa walang katapusang putukang nangyayari.

Naramdaman ko na may mainit na bagay na bumalot sa akin.

"Edwardo..."

"Wife..."

Yakap-yakap ako ng asawa ko.

"Dong baka mata..matamaan ka.."

"Shhhh... I love you wife. You know I can risk everything for you.."

Napaluha ako sa sinabi nito.

"Ahh!"

"Tin!!!" Naitulak ko si Edwardo ng marinig ko ang boses na iyon ni Tin.

Hawak nito ang balikat nitong nagdudugo.

"Dong si Tin..."

Napalingon naman ang asawa ko kay Tin.

Ramdam kong ayaw akong iwanan ng asawa ko dahil hindi nito binibitawan ang kamay ko.

"Iyong baby niya baka mapahamak..."

Pinuntahan nito si Kristine. Ngunit ayaw papigil ng kaibigan ko dahil nakipag-agawan pa ito ng baril ng subukan kunin dito ni Edwardo ang baril na hawak nito.

Sinubukan kong tumayo para puntahan ang asawa ko. Sobrang sakit ng buo kong katawan kaya halos ayaw ng makisama.

Nang tuluyan akong makatayo. Luminga-linga ako sa paligid ko.

Nagkalat ang mga patay. Humina na rin ang putukan sa paligid.

Nakita kong nakikipagsuntukan pa rin sila Conde at Marco. May ibang pulis ding pinupusasan ang ilan sa buhay na nahuli ng mga ito.

"Bitawan mo ako Ed!" Bulyaw ni Tin dito habang hawak-hawak ito ng asawa ko.

"Edwardo..."

Tawag ko.

"Wife..."

Ibinigay na ni Edwardo sa mga pulis si Tin.

Nginitian ko ang asawa ko. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko.

Ngumiti din ang asawa ko.

Tapos na..

Natapos na rin sa wakas ang lahat..

Tumakbo palapit sa akin si Edwardo at ikinulong ako nito sa kanyang mga bisig.

Gumanti ako ng yakap sa asawa ko.

"Mahal na mahal kita Dong.." bulong ko.

"I love yo...."

Nanlaki ang mga mata ko ng hugutin ni Tin ang baril ng pulis.

"Tin..." Mahinang sabi ko.

Bumitaw ako ng yakap kay Edwardo.

"Hindi ako papayag na magiging masaya kayo!!!"

Hinila muli ako ni Edwardo at niyakap ng mahigpit. Pinatigas nito ang katawan nito kaya halos hindi ako makagalaw upang maitulak ito.

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari nang magpakawala ng putok si Tin.

Napasigaw ako nang may kung ano akong naramdaman. Para bang pwersang itinulak si Edwardo.

"Ed...wardo.."

"It's o..okay wife.. i..i love you.. it's over now.." pahina ng pahinang sabi nito.

"Ed!!!" Malakas na sigaw ni Tin.

Pumapalag ito mula sa pagkakahawak dito ng mga pulis. Umiiyak si Tin habang sinisigaw nito ang pangalan ng asawa ko.

Nawalan ako ng balanse ng biglang bumigat si Edwardo. Napahiga ako, habang nakadagan ito sa akin.

"Sorry..." Bulong nito.

Nakakapa ako ng basa mula sa likuran nito.

"Ed.."

"Bro..."

"Dude..."

Tawag ng mga kaibigan namin mula sa kung saan.

"A..ayos lang ako.."

"Ed..wardo" tawag ko dito.

Nahihirapang tumayo ito. Inalalayan pa ito nila Marco.

Muntik ulit itong mapatumba sa akin buti nalang naging mabilis ang paghawak dito nila Conde.

"Iyong...iyong asawa ko.."

Tumalikod sa akin si Edwardo at nag-umpisang maglakad paalis.

Nanginginig man pero nagawa kong tignan ang mga kamay ko. Para akong sinaksak sa nakita kong pulang likido.

Napaangat ako ng tingin. Kitang-kita ko ang dugong umaagos sa likuran nito.

"Edward!!!!!!"

Narinig kong sigaw ni Marco.

Hindi ko magawang sumigaw ng biglang bumagsak ang katawan ng asawa ko.

Lahat nagsitakbuhan kay Edwardo.

Lahat sinisigaw ang pangalan nito.

"Dude..naririnig mo ba kami??!"

"Bro!!"

Hindi ko makita ang asawa ko.

Anong nangyayari?

Bakit ito nangyayari?

"Mary..." Untag ni Conde sa akin.

Tinignan ko ito ng diretso sa mata.

"Edward...."













Pa-epz si Totz!

Sorry sabaw ulit. Di talaga ako marunong sa mga payting scene. 😅✌

Pagpasensyahan niyo nalang ulit ang mali-mali ko diyan.

Thanks po ulit ng marami.

Spread love..

Spread MayWardnatics!

Peace po tayo✌

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن