Lihim 3: Chapter 17- End???

Magsimula sa umpisa
                                    

Tatalikuran ko na sana ito ng biglang may manghila ng kwelyo ng damit ko.

Paglingon ko sinalubong naman ako ng suntok sa mukha at siya rin pagtilapon ko.

Lumapit ulit ito sa akin para sana hatakin ako ngunit inunahan ko na ito. Gamit ang baril na ibinigay ni Luke. Pinaputukan ko ang dalawa nitong binti.

"Waaahhh dude! Sinira mo diskarte ko."  Reklamo ni Luke sa akin.

Tumayo na ako at tinalikuran ito.

Hahaba na naman pag-uusap namin. May baril na nga hindi pa ginamit. Hinintay pa talaga nitong mabugbog pa.

"Dude!!"

Hindi ko na ito nilingon pa. Tumakbo na ako para hanapin ang asawa ko.


















Maymay's POV

Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang hilo dahil sa pagkakahampas sa akin ni Tin ng baril sa mukha ko kanina.

Nauwi sa pagtatalo ang sagutan namin ni Tin kanina... hanggang sa may mga dumating na ilan sa mga tauhan nito at hawakan ako.

Nakatanggap ako ng ilang mga suntok sa mga ito. Halos mamatay na ako sa mga bugbog na natamo ko mula sa mga ito.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Karga ako ng isang lalaki. Hilong-hilo ang pakiramdam ko at nararamdaman ko ang dugong umaagos sa pisngi ko.

"Bilisan na natin!" Narinig kong sigaw ni Tin sa mga kasama nito.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil hindi ko na talaga kaya. Parang pahina ng pahina ang ingay sa paligid ko at nagdidilim na rin ang paningin ko.

Ito na siguro ang katapusan ko.

Sinubukan kong iangat ang ulo ko at nagbabasakaling kahit sa huling sandali ng buhay ko makita ko ang nag-iisang taong....

"Wife...."

Hindi ko alam kong imahinasyon ko lamang ang nakita ko pero...

"Ed....Dong" mahinang sambit ko.

Nakaramadam muli ako ng sakit ng mabitawan ako ng taong may hawak sa akin.

Putukan ulit ang naririnig ko. Kailan ba ito matatapos?

Makalipas ng ilang sandali naramdaman kong may humaplos sa mukha ko.

"Kapit lang mahal ko.."

Hirap man pero nagawa kong magmulat ng mga mata ko. Para akong nagkaroon ng pag-asa ng marinig ko ang boses na iyon, ang boses ng asawa ko.

Binitawan ako ni Edwardo at humarap sa mga ito.

"Edward!" Sigaw ni Tin.

"Pagsisihan mong nagbalik ka pa mula sa hukay mo..."

"Ganun ba Ed?! Hahaha Tamang-tama. Gusto niyo ng happy ending ha?!!! Ngayon ang araw na 'yon!"  Sigaw ulit nito.

Kitang-kita ko ang pagtutok ni Tin ng baril sa direksyon namin ni Edwardo.

"Piliin mo ako para mabuhay ka!"

"Sumuko ka na Tin!" Mariing sabi ng asawa ko.

"Hindi!!!"

Napasigaw ako ng bumagsak sa paanan ko ang isa sa mga tauhan ni Tin.

"Dude!"

Si Conde...

Nagsimula muli ang putukan.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon