CHAPTER 62. WARMTH

Start from the beginning
                                    

He always ask me to go outside; wander, watch a movie, eat and etc.. Too bad, I have to cooperate with my classmates so it always ended up with a refusal.

Ayoko namang sabihin nilang sinasamantala ko ang may-ari ng school.

I don‘t usually care about other people‘s opinion... Pero hindi ko maintindihan kung bakit naapektuhan ako ngayon...

Is it because it‘s him?

“Ayoko pang umuwi!” ani Erin sa tabi ko. “Boring sa bahay.” dugtong niya.

Third subject ng afternoon session ay na-announce na wala nang pasok dahil may meeting ang lahat ng 4th year teachers. Kaya naman halos mag-diwang ang mga kaklase ko.

Kaya nasa tapat kami ng classroom ng 4-A. Hinihintay si Jaemin.

Ilang sandali rin nama‘y labasan na nila. Kasunod niya lang si Alexander na dala ang bag niya.

Nakalabas na siya noong Monday mula sa hospital pero ngayong Huwebes lang ulit siya pumasok. Mukha namang okay na okay na siya. Nawawala narin ‘yung mga sugat niya sa mukha. Masigla naman ulit siya.

Kasabay niya maglakad si Jaeshin na palaging yamot.

“Mall tayo!” suhestiyon ni Kianna.

“Arat!” segunda naman ni Jaemin.

“Where‘s Kevin?” tanong ni Alexander tapos biglang umakbay kay Jaemin.

So, what‘s really going on with them?

“Who knows?” I replied in a bored tone.

Napagpasyahan na nga naming mag-mall. Hindi na ako nagtataka na kasama na naman namin si Jaeshin. Pero nakakapagtaka na wala si Kevin.

Nag-parking sila malapit sa isang park. Tapos naglakad-lakad muna kami, then bigla silang tumigil sa paglalakad.

“San tayo?” tanong ni Alexander.

“Ano ba ‘yan! Ba‘t ba bigla kang tumigil?” bulalas ni Jaeshin.

“Ikaw na nga ‘tong nakabangga, ikaw pa galit?!” Erin retorted. “Hindi kasi tumitingin sa daan!”

I sighed. They started to argue again.

“May nakita ‘kong kwek-kwek, Lili. Nandun lang...” taas-baa ang kilay ni Kangaroo habang nakangiti.

Matagal-tagal na rin mula noong huli akong maka-kain n‘un.

Hmm... should I go?

“Tara.” sabi ko tapos nauna nang maglakad.

“Hoy, sama kami!” Kianna called out.

Ang daming batang naglalaro dito sa park saka mga nanay na nagbabantay.

Iilan lang din ang mga street food stands.

Lumapit agad kami dun sa may tindang kwek-kwek. Ewan ko nga lang kung kumakain ba ng ganito ‘yung ibang dragon. But Kangaroo does...

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now