15 : Last call

0 0 0
                                    

Hindi ako halos makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa tensiyong nararamdaman ko habang nasa hapag kami nina Marielle at ng kanyang ama.

Nakakainis!

"Kumain ka na, sir Casimiro," udyok pa ng damuho sa 'kin. "Huwag kang mag-alala, walang lason iyan."

Doo'y natapunan ko siya ng masamang tingin. Pero natawa naman si Marielle kaya agad din iyong nabura.

"Patawa ka, daddy."

Kaya kalauna'y wala na rin akong nagawa kundi ang kumain, kahit na wala akong kagana-gana. Sino ba naman ang magkakaroon ng ganang kumain kung napapalibutan ng mga guwardiya na may tinatagong kani-kaniyang armas? Hindi naman pulitiko itong lalaking ito pero kung maka-hire ng guwardiya, talo pa ang presidente.

Damn, what is this man doing?

Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sasagutin ko na sana iyon nang tumikhim ang kaharap kong lalaki. "Eat first."

Palihim akong nagtiim-bagang. Kunwari pang uliran at mabuting ama sa bata at tinuturuan ng magandang asal sa pagkain? Buwisit. Pero 'di ako nagpadaig. "I have to answer or else, the caller will get mad."

"Let him, daddy. Baka worried na yung tumatawag kay teacher. And you said it's okay basta mag-e-excuse lang po." Sabi naman ni Marielle na ikinatuwa ko talaga kaya nginitian ko siya nang matamis.

"Excuse me, then, I have to answer this call." Tumalikod ako't sinagot na nga ang tawag. "Hello?"

"Sa'n ka?" natigilan ako sandali.

Si Addie!

Pero agad ding bumalik ang kaba ko dahil sa mga pares ng matang nagmamasid at tila nakikinig din sa 'kin. "I..I'm so sorry, babe. Nasa bahay ako ngayon ng estudyante ko, eh. They invited me to dinner."

"Ha?" and as expected, naguluhan siya sa sinabi ko. "Anong-"

"Uhm, babe? Can you do me a favor na lang? Nag-iisa kasi ngayon si Rick sa bahay, eh, at hindi niya pa alam na nasa malapit lang ako. If it's okay with you, treat her for dinner naman, o, please? Thank you babe.." Sandali akong natigilan. Pero kalauna'y nagkalakas-loob din akong magsalita.

"I love you." Then sadly, I ended the call.




***

Still there? Sorry sa super late update. I still love to finish this story 😂 please bear with me further. - Pobreng Author

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now