5 : I object!

1 1 0
                                    

Magta-tatlong linggo na si Adelaide na nagtuturo rito at masasabing gusto siya ng mga bata. Wow, hindi lang ako makapaniwalang isa rin pala siyang guro tulad ko. Noong gabing iyon kasi ay ibang-iba siya. Maliksing kumilos, alerto, seryoso kung magsalita..basta, malayo sa mahinhin at magiliw na gurong nakikita ko ngayon.

Sa kasagsagan ng board and staff meeting namin sa kasalukuyan, hindi ko maalis ang titig ko sa kanya na nakatuon naman ang atensiyon sa nagsasalitang presidente ng staff ng school, si sir Patrick Pingol. Habang pinipisil-pisil ang hawak niyang ballpen ay titig na titig siya kay Patrick, nakakainis.

Argh, yumuko ako't pinilig ang ulo ko. Hindi ako nagseselos, ha, HINDI. Naiinis lang ako kay Patrick, err - sa sarili ko. Naguguluhan pa rin kasi ako sa babaeng ito na tinititigan ko ngayon, eh. Parang normal naman talaga siya, I mean, hindi tulad ng babaeng iyon noon sa park. Pero sigurado talaga akong siya iyon, eh.

Bakit parang hindi niya ako matandaan? Noong unang dating niya sa school ay hindi niya agad ako pinansin. Noong nagpakilala naman kami sa isa't-isa ay kaswal lang siya't tila noon pa lang ako nakita. Nagkamali ba ako ng tingin? Hindi ba iyon si Adelaide? O hindi niya lang ako namukhaan n'on?

I don't know why but it's frustrating.

"That's why..." napatingin uli ako sa naglilitanya pa ring si sir Patrick. Grabe, career na career ang pagiging presidente, o. Ang galing ng mga litanya niya tungkol sa pangangailangan naming mga guro rito.

Bumaling ulit ako kay Adelaide na titig na titig pa rin kay sir Patrick. Tapos ay kay sir Patrick naman ako napatingin. At balik ulit kay Adelaide.

Teka...may gusto ba si Adelaide kay sir Patrick? Is she actually on to older guys? Well, hindi naman ganoon kalayo ang edad namin kay sir, pero..

Hindi.


Hindi puwedeng sila..


Ayoko!



"Hindi ako payag!" Napabulalas ako bigla't tumayo. At halos sampalin ko ang sarili ko nang napatingin ako sa lahat na ngayo'y tulalang nakatingin na sa akin.

Idiot, Rhys. Totally.

Napa-peace sign na lang ako sa kanila. "Sorry, I...j-just forget what I said."


***

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now