6 : Again?

2 1 0
                                    

Papasok na sana ako sa faculty room nang makita ko si Adelaide sa bukana ng men's room. Nakatayo lang siya malapit sa pinto at tila, may pinapakinggan.

Kaya nilapitan ko na siya. "Miss Adelaide?"

Gulat na gulat siyang tumingin sa 'kin.

"Ano'ng ginagawa mo diyan-" pero di ko na natapos pa ang tanong ko nang bigla niya akong hinila sa kuwelyo ng uniform ko. At pagsandal na niya sa pader sa mismong gilid ng pinto ng CR ay nagulat akong muli sa sunod niyang ginawa.

She kissed me. Again. And this time she was aggressive, hindi agad ako nakahuma. Pero ilang saglit lang din iyon dahil bumaba ang labi niya sa leeg ko!

Anak ng pating na tininola. Ano na naman ang ginagawa niya sa 'kin?

At ewan din naman sa bulok kong sistema at agad din akong napapikit at napatugon sa ginagawa niya sabay pulupot ng mga kamay ko sa baywang niya. Napasinghap ako sa sobrang lambot at init ng labi niya. She's a total seductress! A teaser!

Nang bigla na lang bumukas ang pinto.

"Mister Casimiro and miss Buencamino?" Pareho kaming gulat na tumigil at sabay na napatingin kay sir Patrick.

"S-sir..uhm.." ngangang sinagot ko siya. "I...we.."

"Rhys," aniyang seryoso ang mukha. "There's no such law for both teachers to have a relationship inside one campus. However, we don't tolerate any acts of couples in public, especially here."

Napayuko ako. "I'm sorry, sir."

"Huwag na huwag n'yo na itong uulitin," babala pa nito bago tuluyang umalis na roon.

At sa nangyari ngayon lang ay para akong binuhusan bigla ng malamig na tubig. Parang ang labas ay ako pa itong sobrang guilty sa nangyari, ah. Ni hindi man lang nagsalita si Addie.

Kaya gigil na bumaling ako kay Addie na sa hindi ako makapaniwala ay seryosong nakasunod nang tingin kay sir Patrick. Na tila inobserbahan niya ang reaksiyon nito sa ginawa naming kababalaghan kani-kanina lang. Kaya napakuyom ako sa sobrang inis.

"Miss Buencamino, what on earth was that?" Pigil ang gigil kong tanong sa kanya.

Bumaling din naman siya sa 'kin. "Addie, na lang."

Napakurap ako dun. I think my heart just skipped a beat. Pero 'di ako nagpa-apekto.

Scratch that.

"A-ah..Addie, sabihin mo nga, bakit mo iyon ginawa? Bakit mo 'ko-"

"I just saved 'you,' mister Casimiro...us," aniya saka naglakad na't nilagpasan ako.

"Teka sandali-" hinawakan ko siya sa isang balikat. Pero bago ko pa siya mapaharap sa akin ay mahigpit na hinawakan ng kanang kamay niya ang kamay kong nasa balikat niya't inalsa iyon pataas saka siya umikot paharap sa akin kaya ganoon na lang ang daing ko sa sakit ng braso ko.

Napaka-seryoso ng mga titig niya sa akin kaya napatda ako.

"I'm warning you," bulong niya mismo sa mukha ko. "Sa oras na pumalpak ako'y ikaw ang mananagot."

***

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now