8 : Busted

0 1 0
                                    

Nakapagtatakang pagpasok ko sa maliit na pinto ng construction site ay wala akong nasalubong na guwardiya, pero mabuti nga iyon, eh. Malaya akong nakapasok. Grabe, di mahupa ang matinding kaba ko. Ano ba kasi ang ginagawa ng babaeng iyon dito? Enclosed pa talaga ang buong lugar dahil sa nagtataasang bakod na gawa sa makakapal at malalaking yero.

Payukong tumakbo ako patungo sa malaking pile ng hollowblocks pagpasok ko saka luminga-linga sa paligid. Grabe, parang ninja moves, ah. Pero nakakakaba talaga. Parang may naririnig akong mga boses kahit na wala namang mga nagta-trabaho ngayon dahil hindi ko nakikitang umaandar ang mga makinang nakita ko sa loob nitong enclosed na construction site. Kumubli ako sa isang trak ng sementong naroon at pagdating sa dulo ay sumilip ako sa mismong building. Pundasyon pa lang kasi ang nagagawa kaya mula doon sa kinatatayuan ko ay nakikita ko na ang naroon. At may mga taong pawang naka-itim nga akong nakita roon. At obvious na kahina-hinala ang kung ano nang pinaggagagawa nila ngayon. Lalo na't naglalakihang baril ang hawak ng ilan sa kanila. Iyong babaeng sinundan ko mula pa kanina sa mall....kahit na balot siya sa make-up, shades at wig, malakas talaga ang pakiramdam ko na si Addie iyon. Kaya ko nga siya sinundan, eh.

Pero...

Itong pinasok naman niya ngayon dito..Bakit? Bakit siya narito? May hindi pa ba ako, err - kami alam sa pagkatao niya?

Adelaide..sino ka ba talaga?

Napadilat na lang ako nang biglang nagputukan sa kumpulan ng mga naka-itim na lalaki doon sa building. Hala, kailangan ko nang umalis!

Pero pag-ikot na pag-ikot ko'y nagitla ako sa isang malaking lalaking naka-asul at may hawak na baril pang nakatutok mismo sa akin.

"Sino ka?" halos himatayin lang naman ako sa takot sa tanong niyang iyon kaya dali-dali kong nataas ang mga kamay ko.

Lagot ako.




***

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now