1: Alone? Or not

12 2 6
                                    


All characters in this story does not exist and are all in the imagination of the author. Any resemblance of the story to any reader or anyone is highly coincidental.

[MY 1-MINUTE NIGHT AFFAIR].

***





Sa park.

Heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim..

Wala.

Naalala ko lang iyong advertisment sa TV, iyong biskwit, haha. Relate lang ako dun sa babae.

Sana ako na lang syota nu'n, ganda, eh. Parang Toni Gonzaga.

Anyways, iyon nga..nakaupo lang ako rito, patingin-tingin sa mga pares na nilalanggam na sa ka-sweet-an.

Sana amagin at anayin sila!

Tsk. Oo, single ako. Wala akong natipuhan sa mga babaeng nakita ko, eh. Ganoon talaga. Ang gusto ko kasi, seryosong relasyon. Hindi iyong tipong May-December love affair lang. At so far, wala pa sa mga na-meet at na-e-encounter kong mga babae ang nakapasa sa kwalipikasyong iyon.

Tumayo ako. Uwi na ako. Bakit nga ba ako tumambay dito sa park, tss.

Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang isang tumatakbong babae ang bigla na lang akong hinila at dinala sa isang sulok doon. Nilugay ng babae ang nakapony-tail niyang buhok. At grabe, napamaang ako nang maaninag ko nang mabuti ang mukha niya dahil sa dim light sa poste na naroon malapit sa 'min.

"Teka, ano bang-"

"Hubad," putol niya sa 'kin na ikinagulat ko.

H-hubad?

"Take off your jacket!" inis na niyang utos. Pero tulala pa rin ako kaya siya na mismo ang lumapit at nagtanggal sa 'kin ng jacket ko. In one swift move lang mga tsong, suwabeng nagawa niya akong hubaran. At shemay, napadilat ako sa sandaling natapat ang mukha niya sa mukha ko. Napakaganda niya sa malapitan! At ang bango-bango pa.

Gulp.

Dagling sinuot niya ang jacket ko. Ang suwabe rin kung paano niya hilahin papunta sa kanya ang jacket ko sabay suot sa kanang manggas pabalik mula sa pagkakabaligtad samantalang sinabit niya naman sa balikat niya ang kaliwang bahagi.

Napakurap ako kung paanong inilabas niya naman ang buhok niyang natabunan ng jacket ko at naamoy ko ang halimuyak ng shampoo niya.

Naramdaman kong may kung anong pumitik sa loob ng dibdib ko.

At lalo pa iyong lumakas nang pinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko sabay ikot sa 'kin at pina-sandal ako sa malaking puno malapit sa 'min.

"Anong-" pero di na ako nakakibo pang muli nang siniil niya ako ng halik sa labi!

Talagang nagulat ako.

Ano bang nangyayari?

Pero..ang sarap. Ang sarap niyang humalik. Shemay, napapikit ako. At tumugon sa kanya.

Ilang saglit pa'y mga boses ng lalaki ang narinig ko malapit sa 'min. "Nasa'n na?"

"Di puwedeng makatakas ang babaeng iyon!"

Nawala rin ang mga ito kalaunan.

And that, too, ended our kiss.

"Thanks for cooperating!" ngiting kinindatan niya ako saka umalis na rin doon.

At naiwan akong tigalgal sa kinatatayuan ko. "J-jacket ko.."

***






45 more chapters incoming and hoping that when you find this, you'll try reading it. Comments and votes are soooo much appreciated. Ngayon lang ulit nagta-try mag wattpad after how many years so i'll try na to be active din. This is for diversion anyways.

My dear reader..I hope you are still there. ✌️🤣

Thank you for reading.

Salutes you,

Benedica

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now