13 : She's not her?

0 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas mula noong mag-leave ako sa trabaho. Mas nag-focus ako ngayon sa pagbabantay kay Rick. Hatid-sundo ko siya lagi, naiinis nga siya minsan dahil ang higpit-higpit ko raw nitong mga nakaraang araw. Kaya nang huli'y pinagtapat ko rin sa kanya ang lahat. Na maaaring nasa panganib ngayon ang mga buhay namin dahil sa mga nangyari sa akin. At tulad ko'y natakot din siya. Pero nangako naman ako na babantayan ko siyang mabuti kaya kailangan niyang sumunod. Buti at naintindihan niya.

Nanonood ako ng TV nang biglang tumunog ang telepono namin. Agad ko naman iyong pinuntahan at sinagot. "Yes?"

"Magbunyi ka," bigla akong kinabahan nang marinig ang boses ni Addie. "Makakahinga ka na nang maluwag dahil sa ngayon ay ligtas na kayong dalawa ng kapatid mo."

"T-talaga? Diyos ko, salamat!" Ang saya-saya ko! "And thank you so much, Addie."

"But still you have to be extra careful. We'll never know...baka nag-leak na pala talaga sa katunayan ang tungkol sa pagiging witness mo sa ilegal na gawain ng sindikatong tinutugis namin ngayon. Isa na lang ang huhulihin namin sa buong organisasyon pero kailangan n'yo pa ring mag-ingat. If ever necessary, magpapa-file ako ng witness protection order para sa iyo, pati na rin sa kapatid mo."

Shemay, hindi ko mapigil ang ngiti ko. Nag-aalala siya sa akin!

"Don't worry, mag-iingat ako." Hindi ako makapaniwalang makakagat ko ang ibabang labi ko habang nakikipag-usap kay Addie sa telepono para lang makontrol ang sobrang sayang nararamdaman ko.

"Sus, kung nakinig ka lang kasi sana sa 'kin noong una pa lang.."

"Opo. Ito naman. Eh, gusto ko lang naman kasi na.." napipi ako bigla.

"Na ano?"

"Ha? W-wala. Wala iyon. Sige na, bye." At binaba ko na ang telepono. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko. Bukod kasi sa boses ni Addie sa telepono na napakagandang pakinggan, iyong usapan namin kanina lalo na iyong sa first part, parang..alam mo iyon..

Parang matagal nang mag-siyota na kaswal na lang na nag-uusap.

Haaay...

Bumagsak ulit ako nang upo sa sofa at nanood ulit ng TV. Pero 'di ko na magawang ituon nang husto ang atensiyon ko roon.

Si Addie kasi..

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi pala talaga siya guro. That she's an undercover police. Kaya pala ganoon na lang siya maka-bantay kay sir Patrick, kaya pala mapagmatyag siya't magaling makipag-away. Tapos sinabi niya pa talaga sa akin ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Pero nagpakilala na siya't lahat, hindi pa rin niya nababanggit ang tungkol sa unang pagkikita namin, iyong sa parke...

Hindi niya kaya ako namukhaan n'on? O baka naman...

Hindi talaga siya iyon.

Mariing umiling ako. "Hindi. Siya talaga iyon. Sigurado ako."

Kaya mula sa sobrang saya ko kanina ay nalungkot na lang ako bigla.




***

Slow to update. Pretty busy. Please bear with me. Thank you.

-BlessA.

My One-minute Night AffairUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum