12 : Guard

0 0 0
                                    

"Kuya R.A.?" gulat na sinalubong kami ni Rick nang pagbuksan niya kami ni Addie ng pinto. "A-anong nangyari?"

Pero sa halip na sagutin siya'y hinila ko siya at niyakap nang mahigpit.

"Kuya?" siguradong naguguluhan siya ngayon sa akto ko. But I just couldn't bear it if something happens to me. Ayokong iwan mag isa si Rick lalo na't dalagita pa siya. Dadalawa na lang kami dahil pareho kaming inabandona ng mga magulang namin.

"Magpahinga na kayo," narinig kong bilin ni Addie pagkuwan. "Lock your doors and windows."

Nilingon kong muli si Addie na akmang lalabas na ng bahay.

"Addie?"

Nilingon niya naman ako. "Matulog ka na."

Then she left. At doo'y dali-dali kong ni-lock ang gate ng bahay namin. Halos patakbo pa akong bumalik ulit sa bahay at nag-lock din doon. Maging ang mga bintana'y siniguro ko ring isara tulad ng bilin ni Addie. Tanong nang tanong si Rick kung bakit ganoon na lang ako pero hindi ko pa talaga kayang magsalita. Sinabihan ko na lang siyang matulog na't mag-lock ng pinto saka dumiretso na rin ako sa kuwarto ko.

Pero 'di ako makatulog. Hindi ko kaya, hindi ako mapanatag.

Natatakot pa rin ako. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko lalo na sa eksenang iyon na paulit-ulit na gumugunita sa 'kin. Ang mukha ni sir Patrick na nakatitig sa 'kin bago siya...namatay.

Ang buong akala ko'y matapang na ako. Na kaya ko na ang sarili ko't kaya kong alagaan at protektahan ang nag-iisang pamilya ko sa mundo. Pero bahag pala ang buntot ko't ngatog ang tuhod ko sa totohanan nang panganib. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maluha. Pinilit kong ikubli at pigilan pero hindi ko kaya. Hinding-hindi ko na malimutan ang mga nangyari sa 'kin. Takot na takot ako. Ngayong sangkot na ako sa isang seryosong krimen na ako mismo'y wala namang kaalam-alam, hindi na ligtas ang buhay ko. Ang buhay namin ng kapatid ko.

Mitsa na ba ito ng pagbabago ng mga buhay namin? Nasa hukay na ba ang mga paa namin?

Napapikit na lang ako't nagdasal.







Ilang oras na mula noong pangyayaring iyon sa school kanina. Pero nagdasal na ako't lahat ay hindi pa rin ako makatulog. Pakiramdam ko pag natulog ako'y may mangyayaring masama.

"God.." pasensiya naman kung hindi ako sanay sa karahasan.

Kapagkuwan ay dumilat ulit ako mula sa mariing pagpikit nang siguradong nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Kinabahan ako nang matindi pero bumangon pa rin ako. Subalit bumagsak din ako sa sahig dahil nanghina na naman ang mga tuhod ko.

"Ano ba, makisama kayo!" Sinuntok-suntok ko ang mga tuhod ko pero wa-epek. Kaya halos gumapang ako papuntang bintana.

'Ang lampa mo, Rhys!'

Nanginginig ang mga daliring hinawi ko nang konti ang kurtina sa bintana ko at nakumpirmang isang kotse nga ang nasa labas. Tumindi ang kaba ko, pero agad din iyong humupa nang makilala ko ang kotse.

It's Addie's. Bumalik siya?

Pagdaka ay tumunog ang message tone ng phone ko.

Bumalik ako sa kama ko't kinuha sa bedside table ang cellphone ko. Unknown number ang nag-text pero binuksan ko pa rin. At natigilan ako sa nabasa kong mensahe:

'Matulog ka na. Babantayan kita.'

Napakurap ako at binasang muli ang mensahe. Hindi rehistrado sa phonebook ko ang numero pero, malakas ang pakiramdam ko na galing ito kay..

Kay Addie.

Bumalik ulit ako sa bintana at sinilip siya roon. Hindi ko siya maaninag sa loob ng sasakyan dahil tinted iyon at naka-off ang lights sa loob. Kaya pinasya kong i-dial na ang numero. Naka-ilang ring din iyon bago may sumagot.

"What did I tell you?" iyon ang mga salitang unang narinig ko sa kabilang linya. And i'm right. It's Addie.

"I can't.." kinagat ko naman ang ibabang labi ko nang parang maiiyak na naman ako. "...sleep."

"Kaya nandito lang ako. Babantayan kita."

"T-talaga?" Napangiti na ako't bumalik na nang higa sa kama ko. "Pero, ayos lang ba? Baka gusto mong pumasok. Ah..a-ang ibig kong sabihin ay.."

Shoot, ano ba iyong sinabi ko?

"A-ano..

"Matulog ka na." Pero napasimangot ako sa sagot niya. Pero sa 'di ko mawaring dahilan ay mabilis din akong hinila ng antok.

Maybe, it's because she's there. After hearing her voice, I immediately calmed down. Medyo nakakahiya na siya pa ang nakabantay sa akin pero napakasarap sa pakiramdam.

She's guarding me..

***









To my silent reader pamangkin. Get well, bebe 😘

My One-minute Night AffairTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang