3 : 'A Walk to Remember'

3 2 0
                                    

"Are you done, kids?"

"Yeees, teacher R.A!"

Napangiti ako sa sagot ng mga bata sa 'kin. "Then you may pass your papers. Op! Mauuna ang nasa likod, okay?"

"Okeey!" at tumalima naman ang mga estudyante ko sa pagpasa.

Aren't they so good for second graders? Yep, i'm an elementary teacher. At grade 2 pupils ang tinuturuan ko. Bakit? Eh, education ang kurso ko, eh. Wapakels kayo.

"Puwede na po bang umuwi, teacher?"

"Okay, you may go now." At sa hudyat kong iyon ay nagkagulo na sila't nag-unahan na lumabas. Pero siyempre, magiliw na nagpaalam pa rin naman muna sila sa 'kin. Kahit medyo pasaway na mga bata'y nakakatuwa naman sila, at napapasunod ko rin sila sa 'kin.

Hmm, maybe I really am an effective teacher, after all.

Pagkatapos kong mag-check ng mga papel nila, magligpit at maglinis sa classroom ko ay nag-ayos na ako upang umalis. Pero kaka-lock ko lang sa classroom ko nang makita ko sa labas ang isa sa mga estudyante ko, tahimik na nakayuko lang at tila naghihintay.

"Marielle," tawag ko sa kanya. "Di pa ba dumarating ang sundo mo?"

Sandaling tumingala siya sa 'kin. Pero kalauna'y namasa na ang mga mata niya kaya yumuko agad siya at palihim na suminghot.

Not again.

Napabuntong-hininga na lang ako saka nilapitan siya.

"Don't worry. Sabay na tayong uuwi, okay? Baka na-traffic lang ang daddy mo." Niyakap ko siya saka kinarga. Hindi pa ganoon kalaki si Marielle kaya kayang-kaya ko siyang dalhin kahit na may mga gamit pa akong dala.

"T-thank you po, teacher."
Napangiti ako sa munting tinig ni Marielle na nagpasalamat sa 'kin.

"You're welcome, Marielle."

Palabas na kami ng school nang natigilan ako sa paglalakad.

Nakita ko kasi siya.

Si Adelaide.

"Hi teacher Addie!" nakangiti nang bati ni Marielle sa kanya. At mula sa seryosong mukha ay bigla siyang ngumiti sabay lapit sa amin.

"Hi!"

Napalunok naman ako sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Ihahatid mo ulit siya?" tanong niya sa 'kin. Shemay.

"O...o-oo."

She smiled then.

"Puwedeng sumabay?"

Bumilis ang tibok ng puso ko.

***

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now