7 : Follow Her

2 1 0
                                    

Hindi nga talaga ako nagkamali. 'Addie,' was that girl! Ha-hah!

Woah..

Ang saya ko yata, ah. At iyong nangyari sa may CR..

Napahawak ako sa labi ko. Hindi ako makapaniwalang matitikman ko ulit ang mga labi niya..

Shemay, ano ba 'tong iniisip ko? Bura-bura-bura! Dapat galit ako sa kanya ngayon dahil basta-basta na lang siyang nanghalik. Aba, ang suwerte naman niya sa 'kin!

Pero..

Noong tanungin ko siya, nahiwagaan ako sa sinagot niya n'on. Niligtas niya lang daw ako. Pero paano at mula naman saan? Kailangan ko siyang tanungin, nararapat lang na malaman ko.

Naglalakad ako rito sa mall nang isang babae ang kumuha ng atensiyon ko. Mahaba at straight na straight ang shoulder-length nitong buhok na may makapal na bangs. Makapal ang lipstick nitong dull ang kulay at malaki ang tinted shades. Berdeng off-shouldered blouse at black skinny jeans naman ang suot nito't may dala-dala pang purse.

Grabe siya manamit, ah..

Teka...

Napatitig ako nang mabuti sa babae. Para kasing..

Si Addie iyon.

Nagpasya akong sundan ang babae. Sumakay ito sa isang asul na kotse at lumabas sa parking area ng mall. Ako nama'y dala ang motor ko.

Ilang minutong biyahe rin ang nangyari hanggang sa biglang tumigil ang kotse at tumabi sa gilid ng daan. Bumaba ang babaeng sakay at tiningnan ang makina ng sasakyan. Nakita kong umuusok iyong makina kaya napatigil din ako sa mismong harapan ng sasakyan kung nasaan ang babae. Bumaling siya sa akin, pero bago ko pa maibaba ang helmet ko'y sinaway niya ako.

"Umalis ka na, hindi ko kailangan ng tulong."

Aba't - maldita ang babaeng 'to, ah. "Pero miss, umuusok ang sasakyan mo."

"So? You don't care. Kayang-kaya ko na 'to." Pagtataray niya saka pumunta sa likod ng sasakyan.

What the..ang maldita, ha. Pero mukha at boses talaga siya ni Addie, eh. Ba't ganyan ang itsura niya ngayon? Buti at di ko na nagawang tanggalin ang helmet ko.

"O, ano pang ginagawa mo rito? Alis!" aniya naman pagbalik, ang taray talaga. Kaya sa huli'y napasunod na lang din ako't pinaandar na ulit ang motor ko.

Geez, ayaw niya talagang magpatulong, ha. Sige, subukan natin.

Umalis nga ako roon. Pero sa unang U-turn na nakita ko ilang kilometro lang ang layo ay agad kong pinihit pakanan ang manibela ng motor ko't bumalik.

Dalawang puting van pa ang namataan at nadaanan ko sa kabilang lane. Maraming mga lalaki ang bumaba mula roon at papasok sa isang under-construction pang building. Hindi ko na lang pinansin at diretso lang sa pagbi-biyahe hanggang sa ilang sandali pa'y nakita ko na rin ang kotse niya.

Bukas pa rin ang makina niyon sa harap pati na ang likurang bahagi ng kotse. Samantalang siya nama'y mukhang nasa loob yata ng kotse. Lumagpas ako roon at naghanap ulit ng U-turn. At nang makakita ako'y nag-U-turn na agad ulit ako. Pero nang maaninag ko na sa unahan ang kotse ay nangunot ako nang tila wala na akong nakikitang tao roon. Tumigil ako di kalayuan sa sasakyan saka bumaba na't tinanggal ang helmet ko. At kumpirmadong wala na nga siya sa kotse niya.

Nasaan na siya?

Pero nakaka-ilang sandali pa lang mula nang itanong ko iyon sa isip ko'y nakita ko rin ang babae, at nasa likuran na siya ng dalawang puting van sa unahan nitong kotse na nakita ko kanina!

"Addie?" mahinang bulong ko nang makita ko siyang palihim na tinitingnan ang loob ng sasakyan. Buti na lang at suwerteng nakapagtago ako sa likurang bahagi ng kotse niya kaya hindi niya ako nakita sa paglinga-linga niya sa kanyang paligid. At ang mas nakapagtataka, pumasok pa siya sa loob ng ginagawang building. May dala pa siyang kung anong itim sa kamay, di ko masyadong nakita.

Ano kayang gagawin niya? Katakataka at kahina-hinala. Tatawag na ba ako ng pulis dito?

Tama. Obvious na kahina-hinala talaga ang ginagawa niya ngayon kaya dapat lang na tumawag na ako. Pero..ba't parang hindi ko kaya? At nag-aalala ako.

Kailangan kong pumasok. Pupunta rin ako sa building na iyon.

Kaya ginawa ko.

Maingat akong naglakad papasok sa nasabing building.

Nakakaramdam ako ng panganib.

***

Yo!
Sorry Ang hirap talaga maka time masyado sa Wpad Pag busy at hehe...wala masyadong nagbabasa.
So if you are reading this right now. THANK YOU SO MUCH 💕😚😚

My One-minute Night AffairWhere stories live. Discover now