10 : On the ground

0 1 0
                                    

Nagising akong madilim na sa paligid. Nag-inat ako. Anong oras na ba?

Hala, sandali lang, nasa school pa ako, sa faculty room!

Agad-agad akong bumalikwas nang bangon sabay tayo mula sa pagkakaupo ko. Nasa harapan ako ng mismong table ko sa faculty, kaya hindi ako nagkakamali. Nakatulog pala ako!

Oo, nag-duty ako't hindi nakinig kay Addie. Madali akong nagligpit ng gamit ko't papalabas na sana sa madilim nang faculty room nang makarinig ako ng mga boses sa kabilang silid.

"Talaga bang tuloy pa rin ang operasyon natin ngayon, ser?" isang boses-probinsyanong lalaki ang una konng narinig.

"Oo. Siguraduhin n'yo lang, this time, na hindi kayo papalpak, mga inutil!"

Sinapo ko ang bibig ko't pigil ang hiningang sumandal sa pinto ng faculty room. Pamilyar ang boses na iyon na narinig ko.

"Dumating na ba ang kliyente natin?"

"Opo, ser."

"Good. Secure the area, ayokong sumabit ulit tayo."

"Yes, ser." At natahimik nang muli sa labas. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nilamig ako bigla sa kung anong dahilan. Pakiramdam ko'y namumutla ako. Nangatog din ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako sa sahig.

Ano'ng nangyayari? Bakit ang sama-sama ng nararamdaman ko? Parang may nangyayaring hindi maganda.

Hindi, hindi ako dapat na umalis dito, hindi pa pu-puwede kundi mapapahamak ako, malakas ang kutob ko!

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang biglang tumunog ang message tone ng cellphone ko!

"Sino iyan?"

Lagot!

Agad-agad akong lumayo sa pinto at nagtago sa ilalim ng isa sa mga tables doon. Hindi naman nakikita ang ilalim ng bawat mesang naroon mula sa labas dahil balot ng plywood hanggang sahig ang harapang bahagi ng mga mesa. Pero takot na takot pa rin ako dahil siguradong papasukin pa rin ako rito ng taong iyon dahil sa tumunog kong cellphone.

At ilang saglit pa'y narinig ko na ngang bumukas ang pinto. "Alam kong may tao rito. Lumabas ka na!"

Pikit-matang nagdasal na ako.

Ayoko pang mamatay, mataas pa ang pangarap ko sa buhay. Gusto ko pang yumaman at magka-pamilya!

"I said, come out here, my friend.."

Friend mo'ng mukha mo, bad ka!

Yes, I know this voice.

It's him.

Papalapit pa nang papalapit ang mga hakbang niya sa kinaroroonan ko. At mas binalot pa ako ng takot dahil sa narinig kong pagkasa na ginawa niya.

May hawak siyang baril.

Bakit ba kasi hindi ako nakinig kay Addie nu'ng isang araw? Ba't ba kasi pumasok-pasok pa rin ako? Lord, hindi ko naman alam na may ganito palang nangyayari, eh. At may kinalaman Siya. Pero, kung mamamatay man ako ngayon, sana bukas na lang. Gusto ko pang magtapat kay Addie ng nararamdaman ko, eh.

Please naman, Lord!

"Ayaw mo talagang lumabas, ha? Then I will find you.." mas kinabahan pa ako sa sinabi niyang iyon..please, sana di niya ako makita! Sana gumana ang galing ko sa taguan this time!

"Makikita rin kita..." ngayon ay para na siyang adik. Hindi, ayoko pa talagang mamatay.

"Andiyan na ako..." nasa mismong tabi na siya ng mesang tinataguan ko!

*BANG!*

Pero nabulabog kaming pareho sa isang putok ng baril na narinig namin mula sa labas. At ilang saglit pa'y sunod-sunod nang mga putok ng baril ang narinig namin.

"Buwisit!" mura niya sabay lakad na palabas ng faculty.

"At sa'n ka pupunta...Patrick Pingol?" isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko naman mula sa labas kasabay ng awtomatikong pagbukas ng ilaw sa loob ng silid.

"Ikaw.." umuungol na sabi ni sir Patrick.

"Yes, sir, ako nga. And you are under arrest for illegal possesion of-"

"Hindi ako makapapayag!" at napadilat na lang ako sa tatlong putok ng baril na narinig ko pagkatapos.

Teka, anong nangyari? Sino ang bumaril? Sino ang nabaril?

Oh, no.

Pero agad ding nasagot ang tanong ko sa nakita kong bumagsak na katawan sa sahig. At tapat na tapat pa sa 'kin ang ulo niya. Dilat ang mga matang nakatingin siya sa 'kin, pero malalalim na ang mga paghinga niya. Hanggang sa tuluyan na iyong tumigil. Ako nama'y natigil din sa paghinga sa nasaksihan ko.

I...I just saw a man die.

"Sir, dito!" narinig kong muli ang boses niya. At ilang sandali pa'y lumabas na rin ako at nakita ang gulat niyang mukha.





***

My One-minute Night AffairHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin